ATHALIA'S POV
Tahimik akong nag-aabang ng masasakyan pauwi sa bahay namin, rush hour na rin kaya pahirapan talagang makahanap ng masasakyang kakaunti lang ang pasahero.
Upang maiwasan ko ang pagkabagot at para na rin hindi masayang ang oras ko, habang nag-aantay ako ay pinili ko munang i-edit ang article na ginagawa ko patungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw, isa na rito ang biglaang pagkawala ni Aimee. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-sisink in sa sistema ko na wala na ito, sa sobrang ingay at daldal nito ay hindi ko maiwasang hanap-hanapin ang presensya niya.
Maya-maya lang habang nag-tatype ako sa phone ko, naramdam kong may kung sinong tumabi sa akin, kaya naman agad akong napalingon dito at agad kong napansin ang ID lace nitong may pangalan ng Benison. Sandali kong pinasadahan nang tingin ang tindig nito, hindi ito katangkaran kung tatantyahin ko ang height niya ay masasabi kong nasa 5'2 lang ito, at kung ilalarawan ko naman ang itsura niya ay maikukumpara ko ito sa isang arabo dahil sa kapal ng kilay at hugis ng mata nito. Sandali ko pa itong tinitigan, pero hindi ko pa rin talaga ito makilala; maaaring bago lang 'to sa Benison, sana hindi siya magsisi.
Maya-maya lang ay nakahanap na rin ako sa wakas ng masasakyan, agad kong pinara ito at sumakay na. Naramdaman ko namang sumunod sa akin ang lalaking katabi ko lang kanina. Don't tell me, nakatira rin 'to sa village kung saan ako nakatira.
"Saan po kayo?" tanong sa akin ni Manong Driver, kasabay naman non ang pagtabi sa akin ng lalaki sa loob ng tricycle; ang lalaking katabi ko lang din kanina.
"Malaya Village po, Manong!" sabay naming sabi, kaya naman nagkatinginan kami.
Taga-malaya rin siya? How come na hindi ko siya nakikita?
Maya-maya lang ay pinaandar na ni Manong ang kaniyang tricycle.
Tahimik lang ang buong byahe namin, nakasalpak lang din ang earphones ko sa tenga ko habang nakikinig ng mga musika ng paborito naming banda ng Ate ko– Silent Sanctuary. At habang tinatapos na rin ang article na ipapasa ko bukas kay Ate Tina.
"So, you're a journalist?"
Napatigil ako bigla sa ginagawa ko, at agad na tinanggal ang earphones ko, at tumingin sa lalaking katabi ko.
"Excuse me?" sabi ko, at tinuro ang sarili ko na para bang tinatanong ko siya, kung ako ba ang kinakausap niya.
Agad naman siyang tumango.
"Yes, I am." tipid kong sagot.
Akala ko tapos na ang pag-uusap namin doon, pero bigla akong nakaramdam ng kaba at pagkailang nang bigla itong mag-simulang tumingin sa dibdib ko pababa sa legs ko. Manyakis pa ata 'tong gago na 'to.
"At nag-aaral ka rin pala sa Benison..." wala na sana akong balak pang pansinin ang mga sinasabi niya, nang bigla na naman siyang mag-salita. "Corpuz."
Balak ko na sana siyang patulan, pero nasaktuhan namang nasa tapat na kami ng bahay niya. Pero, bago pa man ito bumaba ay sandali pa ako nitong pinasadahan nang tingin habang nakangisi.
"See you in Benison, Corpuz." mahinang sabi nito.
Hanggang sa makarating na ako sa bahay namin ay lumulutang pa rin ang sistema ko nang dahil sa lalaking 'yon. He's so freaking weird, and the way he mentions my surname... parang matagal na niya akong kilala.
***
Nasa gate palang ako ng bahay namin ay dinig na dinig ko na ang hiyawan nila Mama at ng bago niyang kinakasama; isa rin talaga 'to sa dahilan, kung bakit tinatamad akong umuwi eh. This house... this family, doesn't feel like home anymore.
Dahan-dahan kong binuksan ang gate ng bahay namin at agad na isinara ito, saka ako pumasok sa loob ng bahay.
Pagkapasok ay agad na bumungad sa akin ang mga sunod-sunod na murang binibitawan ng hayop na kinakasama ni Mama- si Nelson.
Akmang sasapalin na niya si Mama, nang masalo ko ang kamay niya.
"Wag kang nangingialam dito, kung ayaw mong ikaw ang sampalin ko!" marahas na sabi nito.
Agad ko itong nginisian. "Kung si Mama nagagawa mong takutin, p'wes ako hindi. Ang lakas ng loob mong saktan at mura-murahin si Mama, eh palamunin ka lang naman ditong gago ka!"
"Aba't tangina mong bata ka, sumasagot ka pa. Binabastos mo ba ako, ha?" pananakot pa nito, nakahanda na ang kamay niyang sampalin ako.
Inilapit ko pang mabuti ang pisngi ko sa kanya. "Ano? Sasampalin mo 'ko? Sige, subukan mo!"
Napapikit ito nang mariin na para bang hinahabaan niya ang kanyang pasensya para sa akin.
"Hindi mo magawa? Pero, kay Mama go na go ka ha? Tandaan mo 'to, Nelson. Sa oras na dumampi na naman ang palad mo sa Nanay ko, hindi ako mag-dadalawang isip na isunod ka sa kapatid ko!" pagbabanta ko rito, saka ito iniwan na namumutla.
Maglalakad na sana ako papunta sa kwarto ko, nang magsalita si Mama.
"Athalia..."
"Alam kong pangangaralan mo na naman ako, nang dahil sa ginawa ko o sinabi ko sa asawa mo. Pero, patawad ma. Hindi ako sing-tanga mo!" walang emosyong sabi ko. "May binabagayan ang salitang respeto."
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Mystery / ThrillerMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...