CHAPTER 24

17 1 0
                                    

ALEXIS'S POV

Kasulukuyang nakapaligid sa amin ang stepsister ni Tata na si Aliana at ang mga kaibigan nito.

Panay ang tanong nila sa akin kung ako nga ba si Alexis at of course sumagot ako ng oo at sa hindi malamang dahilan ay nagtilian ang mga ito.

Napalingon ako kay Tina na halatang hindi na komportable sa ingay na dala ng mga ito. Maya-maya lang ay nagsalita na ito.

"Ah?" ani ni Tina. "Anong meron po? Anong need niyo kay Alexis?"

"Ay, eksena siya." ani ng babaeng chubby na kasama nila. "Bet po kasi ng frenny namin ang chupaping ito, pwede po bang papicture po sa kanilang dalawa?"

Loko 'to ah? Utusan daw ba si Tina.

Muli akong napalingon kay Tina pati na rin sa iba pa naming kasama, kagaya ko ay nagulat din ang mga ito sa inasta ng kaibigan ni Aliana. Sandali akong tumingin kay Tata na halos malukot na ang mukha sa pagkakakunot ng noo.

"Kapal ah?" ani ni Tata.

"Excuse me?" ani ng kaibigan ni Aliana.

"Dadaan ka?" sarkastikong sabi ni Tata. "Kilala mo ba 'yang inuutusan mo, miss?"

"Tata!" suway ni Tina. "Sorry sa asta ng kasama namin, anyways, where's your phone? Kuhanan ko na kayo ng picture."

Kunot-noo akong lumingon kay Tina at nginitian lang ako nito.

"Okay lang ba talaga sayo?" pabulong na tanong ko kay Tina at nginitian lang ako nito. "Wag mo ko aawayin after this ha?"

Agad na ibinigay ni Aliana ang phone nito kay Tina, agad din naman akong umayos ng pwesto para makuhanan na agad kami ng litrato ni Tina.

Nang matapos na ay agad namang ibinalik ni Tina ang phone ni Aliana.

"Thank you, Ate Tina!" ani ni Aliana. "Pasensya ka na sa mga kasama ko ha?"

"No, it's okay! Just be more respectful next time." nakangiting sabi ni Tina.

"Sheeesh!" side comment ni Hanoi.

"Pasensya na po talaga!" ani pa ni Aliana.

"Ayos lang 'yan, you're not the first girl na nag-papicture kay Kuya!" ani ni Jojo.

"Sa madaling salita, sanay na si Ate Tina sa mga babaeng nagkakagusto at umaaligid sa boyfriend niya." may diin na sabi ni Tata habang nakangisi pa.

Agad kaming napalingon ni Tina kay Tata na nakakalokong nakangisi ngayon.

"Gago..." nahihiyang ani ng gay na kasama ni Aliana. "Girlfriend ka po ni Alexis, ate?"

"Ha-"

Hindi na naituloy ni Tina ang sasabihin niya nang biglang sumingit si Ara. "Ghad, isn't obvious?"

"They have a couple bracelet nga, oh?" dagdag ni Emon at inangat pa ang braso namin ni Tina. "Sometimes kasi alamin niyo muna kung may girlfriend na ba 'yong mga crushiecakes niyo, 'wag tayong givesung nang givesung ha?"

"OMG, I'm sorry po mga mamshie!" ani ng gay na kasama ni Aliana. "Let's go na mga ate, sorry po talaga!"

Umalis na nga ng tuluyan si Aliana at ang mga kaibigan nito, saka kami bumaling ni Tina sa mga kasama namin na nakatingin sa amin nang nakakaloko.

"What's with that?!" ani ni Tina at diretsong nakatingin sa mga kasama namin.

Nagkibit-balikat ang mga ito. "Don't get mad na, sissy ko. Alam niyo 'yong solution lang dyan para you guys doesn't have to act na?" ani ni Emon.

THE DEATH WISH OF AKIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon