CHAPTER 15

19 1 0
                                    

[Warning: This chapter may contains matured content. Read at your own risk!]

ATHALIA’S POV

"Mr. Gomez is our proctor noong freshman year namin, buhay pa si Akime noon. Gentle siya sa mga estudyante niya lalo sa aming mga babae." kwento ni Ate Tina. "He's like our father noong mga panahong 'yon."

Agad namang kumunot ang noo ko.

"Malapit sa kanya ang halos lahat ng mga kaklase naming babae including your Ate..." seryosong sabi ni Ate Tina.

Agad bumilis ang kabog ng dibdib ko, automatiko ring napakuyom ang mga kamao ko.

Ayaw kong ituloy ang ano mang gusto isipin ng isipan ko. Ayoko. Hindi pwede. Nakakadiri.

"Close siya sa lahat, pero never sa akin. Ayoko." seryosong sabi ni Ate Tina at agad naman kaming napatingin sa kanya.

"Bakit?" usisa ni Kuya Alexis. "Anong meron?"

"I just don't feel safe around him." Ate Tina said immediately. "There's something about him na hindi ko gusto, pero hindi ko alam kung ano."

Huminga nang malalim si Ate Tina. "Kaya noong narinig ko ang pangalan niya, I know you'll spill something that can confirm my speculation about him. Now Tata, tell us what's with Mr. Gomez?"

Inabot ni Ate Tina ang kamay kong kanina pa nagpapawis nang dahil sa kaba. "Don't be scared, Tata. Kasama mo kami."

Hindi ko na napigilan ang luha kong magsituluan. "N-nakakadiri siya, Ate..."

'Yan. 'Yan lang ang tanging nasabi ko. Kanina ko pa pinapractice ang sarili ko kung papaano ko ikwekwento sa kanila ang mga nasaksihan ko kagabi, pero hindi ko alam sa sarili kung bakit 'yan lang ang lumabas sa bibig ko... at pagkatapos noon humagulgol na lang ako.

Naramdaman kong niyayakap na ako nang kung sino sa isa sa mga kasama ko.

Maya-maya lang ay kumalma na ako. Uminom muna ako ng isang basong tubig saka humarap sa kanila.

"Kalmado ka na ba?" alalang tanong ni Rana. "Don't force yourself to talk kung hindi mo pa kaya."

"Kaya ko na..." I said. "I don't know if Ate Tina already told this to you guys, pero umalis ako sa bahay kagabi for some reason."

"Saan ka nagpunta?" tanong ni Jojo.

"Pumunta ako sa bahay nila Nanay Pasita, noong dumating ako doon naisipan kong pumunta sa Liwayway Building..." I said.

"Liwayway Building?" tanong ni Jojo. "Hindi ba naroroon palagi ang Ate mo noong nabubuhay pa siya? Kasa-kasama niya ang mga kagrupo niya sa dance troupe?"

Tumango ako. "That's why I go there, because I miss ate so much. That place reminds me a lot about her..."

Tinignan ko sila isa-isa sa mata. "Pero noong dumating ako roon ibang-iba na ang itsura ng building. Hindi na siya kagaya ng dati. May kakaibang aura na ang building na 'yon at alam kong hindi niyo magugustuhan kung ano man 'yon. After all, tumuloy pa rin ako sa loob."

Huminga ako nang malalim. "At may narinig akong kakaibang tunog. Moans."

"Putangina." ani ni Ate Tina. "Don't tell me..."

"Out of curiosity, hinanap ko kung saan nanggagaling ang tunog..." I said. "And I saw Mr. Gomez na minomolestya ang isang estudyante and kabisadong-kabisado ko pa ang mga narinig kong salita mula sa kanya."

"W-what is it?!" tanong ni Rana.

"Sabi niya, "Shhh, 'wag kang maingay baka may makarinig sa atin..." doon ko na-confirm na si Mr. Gomez 'yon. Boses niya 'yon." I said.

The Death Wish of Akime Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon