ATHALIA'S POV
Kasalukuyan akong nasa byahe pauwi sa bahay namin. Sa totoo n'yan, wala pa talaga akong balak umuwi; pero napauwi ako nang dahil sa nakita ko kanina.
Yes, you read it right. Hindi ko lang narinig, nakita pa mismo ng dalawang mata ko.
Up until now, I can't still process everything to my mind. Like, totoo ba? Si Ate Ara?!
Halos isa or dalawang linggo na namin s'yang hindi nakikita (except the day I saw her and the creepy man sa karinderya), hindi siya nagpapapasok sa Benison since the day Aimee left this world.
Tapos ngayong nakita ko na ulit siya sa Benison, ayun pa ang makikita't maririnig ko? What in the world?!
Ano bang nangyayari kay Ate Ara?!
Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko na namalayan na nandito na pala ako sa bahay namin. Inabot ko na lamang ang sukli ko kay Manong at agad na binuksan ang gate, tsaka ako pumasok sa bahay.
Pagkapasok ko sa bahay ay agad na bumungad sa akin ang magaling na anak ni Nelson- si Aliana.
"What the heck?!" I said in this belief.
Bumungad sa akin ang sobrang kalat na sala, gawa ng mga pinagbalatan nila ng junk foods ng mga kainuman niyang kasalukuyang nandito.
"Oh, hey sis. Nandyan ka na pala, ginabi ka ata?" salubong pa nito sa akin, inakbayan pa ako nito kaya naman naamoy ko lalo ang hininga nitong amoy alak.
Agad ko namang tinanggal ang pagkaka-akbay nito sa akin, at tinignan ito ng seryoso.
"Makalat." walang emosyong sabi ko.
"Syempre, ano bang iniisip mo? Malinis na sala? Hello? Baka hindi mo nakikita, nag-iinuman kami ng mga friends ko-"
"Oo, sa pamamahay ko." pagputol ko sa sinasabi niya. "Nag-iinuman kayo sa pamamahay ko."
"Ey, wala ka pala sa kapatid mo 'tol eh!"
"Sheeeesh, nagagalit na ata si idol!"
"Grabe nga 'yon!"Nilingon ito ni Aliana, and I saw her na pinandilatan niya ang mga 'to that makes them stop mocking her.
Napailing na lang ako at magsisimula na sanang maglakad papunta sa kwarto ko nang magsalita na naman si Aliana.
"Ano bang problema mo ha?!" dinig kong sabi nito mula sa likuran ko.
Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya at nag-dirediretso sa paglalakad.
"Hoy, Athalia!" sigaw pa nito. "Bastos ka talaga 'no? Tinatanong kita nang maayos tapos tatalikuran mo lang ako?!"
"Tangina, Athalia. Sabing lingunin mo 'ko!" bulalas nito saka ako hinawakan nang madiin sa balikat kaya napalingon ako sa kanya.
Tinaasan ko lang ito ng kilay at hinintay ang susunod na sasabihin nito.
"Ano bang problema mong babae ka, ha?!" bulalas na naman nito.
"Ikaw." walang emosyong sagot ko.
"Ako?!" gulat na tanong nito sabay turo sa sarili niya.
"Bungol?!" natatawang sabi ko. "Oo, ikaw."
Iginala ko ulit ang mga mata ko sa sala.
"Ikaw..." muli kong tinignan ang mga kaibigan niya. "At ang mga kalat mo!"
"Tinawag mo bang kalat ang mga tropa ko?!" inis na tanong nito.
I smirk. "Maybe?"
Akmang susugurin na ako nito nang bigla siyang pigilan ng isa sa mga kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Mystery / ThrillerMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...