CHAPTER 21

8 0 0
                                    

Third Person's POV

Nakangiting pumasok ang mga babae sa isang hideout. Agad din naman silang sinalubong ng isa pang babae at isang lalaki na tila nagsisilbing leader nila. 

"Nadispatsa niyo na?" tanong ng babae. 

"Oo naman, Miss A." ani ng isang babae. "Nailigpit na rin namin siya nang walang bahid na kahit na anong ebidensya."

"Mabuti." sagot ng babaeng kung tawagin nila ay Master. "Wala naman akong balak ipapatay siya eh. Eh, kaso masyadong pakialamera." 

Naglakad-lakad ito habang dala-dala ang isang baso na may lamang alak. "At ang mga pakialamerang kagaya niya... pinapatay ng maaga." 

Lumapit sa kanya ang lalaki. "Anong susunod mong plano?" 

Nag-isip-isip ang babae. "Nagsisimula nang mag-imbestiga ang kapatid ni Akime, kailangan nating mag-ingat. Kailangan nating bantayan ang kilos niya. Girls..."

"Miss A?" sagot ng isang babae at lumapit. 

"Kunin niyo ang tiwala ni Athalia. Kailangan niyang mapalapit sa inyo, nang sagayon malaman niyo ang mga susunod niya pang mga plano. Naiintindihan niyo?" ani nito. 

"Masusunod, Miss A!" ani ng mga 'to. 

ATHALIA'S POV

Agad kaming pumunta sa guard house ni Jojo, kailangang malaman 'to ng mga nakatataas.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin mawari kung kaninong katawan ang naroroon sa basurahan, nakalagay sa trash bag ang katawan nito at hindi ko man kilala kung sino 'yon ay isa lang ang masisiguro ko babae siya.

"Bangkay?!"

Gulat na sabi ni Kuya Guard.

"Opo, bangkay." sagot ko. "Bangkay ng isang babae."

Nagtawag ng iba pang kasamahan ang Guard na kausap namin at agad nito kaming sinamahan sa basurahan sa Parking kung saan namin nakita ang bangkay.

"Nangangamoy na ah." ani ng Guard na babae. "Sino naman kayang gagong gumawa nito?"

Agad silang nagsuot ng face mask bago buksan ang basurahan, agad din namang bumungad sa kanila ang isang trash bag na naglalaman ng bangkay ng babae.

"Tangina!" mura ng Guard na lalaki. "Ano bang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Kakaiba ang trip. Juvy, tawagin mo si President at ipakita mo sa kanya 'to!" sandali pang pinicture-an ng lalaki ang bangkay.

"Sige sige!" balisang sagot ng Guard na nagngangalang Juvy.

Nang makaalis na ang kasamahan nito ay agad bumaling sa amin ang Guard na lalaki.

"Sigurado ba kayong wala kayong kinalaman dito?" seryosong tanong nito.

"Wala ho, ang totoo niyan paalis na dapat kami nang maamoy naming nangangamoy ang basurahan sakto namang magtatapon dapat 'tong kasama ko." paliwanag ni Jojo.

Tumango-tango si Kuya Guard. "Panindigan niyo 'yang sinasabi niyo bata ha? Inosente man kayo o hindi, iimbestigahan pa rin namin kayo nang makasigurado tayo."

Miss na miss ko na ang kama ko, gusto ko nang humilata at matulog nang mahimbing. Pero, nandito na naman ako. Nadadamay na naman ako sa isang kaso na wala naman akong kinalaman.

*beep*

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng skirt ko, nag-chat si Ate Tina sa group chat namin sa THE JOURN.

From: Celestine Allison Gray
Hello mga bading, may mga applicants na tayo sa THE JOURN. Are you guys ready to criticize them? Eme HAHAHAHA. Go kayo rito if free time niyo na, let's start writing about the ganaps these past few weeks. Thank you!

THE DEATH WISH OF AKIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon