TINA'S POV
Kasalukuyan pa rin kaming pinipigilan si Tata sa pangongompronta niya kay Gomez. Alam kong alam niya sa sarili niya na delikado ang ginawa niya, pero ano pa nga bang magagawa ko? Magkaiba sila ng Ate niya, pero parehas lang matigas ang ulo nila.
"Neng, pasensya na pero sundan mo na lang kami sa presinto kung gusto mong makausap si Mr. Gomez." ani ng Pulis.
"Hindi." pagmamatigas ni Tata. "Hindi ako mag-aadjust para sa manyakis na 'yan."
Napapakamot na lang sa ulo ang mga pulis sa katigasan ng ulo ni Tata.
"Sumagot ka!" sigaw ni Tata. "Nagalaw mo rin ba ang Ate ko?!"
"Hindi." sagot ni Gomez.
Agad akong napatingin dito nang magsimula na itong sumagot.
"Sigurado ka?!" nang-gigigil na tanong ni Tata.
"Kung sakali mang nagalaw ko ng Ate mo..." ngumisi ito. "Sigurado akong nagustuhan niya rin 'yon."
Pumantig ang tainga ko sa naging sagot ni Gomez, kaya agad-agad akong lumapit dito.
"Tarantado ka ba talaga?!" wala sa sariling sabi ko.
"OMG! Alexis, si Tina!" rinig kong sigaw ni Ara.
"Ano kamo? Kung sakali mang nagalaw mo si Akime Corpuz sigurado kang nagustuhan niya rin 'yon? Tangina mo. Sino ka ba?!" sarkastikong sabi ko. "Masarap ka ba?"
"Tina, tama na 'yan!" suway sa akin ni Alexis.
"Do you really think na papatulan ka ni Akime, ha?!" sigaw ko. "Do you really think na papatulan ka ng mga naging biktima mo nang wala kang binibigay na kahit na ano?! Do you really think na may papatol sayo, Vicencio Gomez?!"
Tinitigan ko 'to mula ulo hanggang paa. "Sa mukha mong 'yan?!"
Nagsimulang umingay ang mga taong nanonood. May mga nagtatawanan at nag-saside comment.
"Hindi ka ba naaawa mo sarili mo?" ani ko. "Hindi ka ba naaawa sarili mo na you have to pay pa talaga for sex? Kailangan mo pa silang utuin, talaga? Bakit? Wala bang nagkukusang mag-aya sayo?"
"Tina, stop!" suway din ni Ara, pero hindi ko ito pinansin.
"Nakakaawa ka, Vicencio. Sobra." sarkastikong sabi ko. "Shaming you in public is not part of my plan. Wala akong planong lapitan ka, dahil nakakadiri ka."
I stare at him seriously. "Pero ang lakas ng loob mong i-bring up ang bestfriend ko, ang lakas-lakas ng loob mo. Kaya malakas din ang loob kong sabihin 'to..." I said. "You're nothing without your money, Vicencio. Kung wala kang pera, libog lang ang tanging meron ka."
After saying those things ay agad kong umalis na parang walang nangyari.
Alam kong may mga nakamasid na maaaring kakampi ng mga kagaya ng gagong 'yon, alam kong maaari akong mapahamak nang dahil sa mga binitawan kong salita, pero wala na akong magagawa. Nandito na 'to.
Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko, sobrang layo at lalim nang iniisip ko at hindi ko na namalayan na nandito na naman ako sa rooftop na 'to.
"May nag-text na naman ba sayo at sinabing pumunta ka rito?"
Napalingon ako sa nagsalita, as I expected it's Roniel Santillan.
"Wala." sagot ko at tinabihan siya. "Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito ngayon."
"Kunyari ka pa, gusto mo lang akong makita eh." pilyong sabi nito.
"Kapal talaga." natatawang sabi ko. "Wala ka bang klase?"
"Meron." sagot niya. "Boring don eh, dito muna ako."
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Mystery / ThrillerMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...