CHAPTER 39

6 0 0
                                    

EMON'S POV

Katatapos lang ng trabaho ko nang biglang tumawag sa akin si Reign, nasa bar daw ngayon si Tina at lasing na lasing. Agad-agad naman akong dumiretso sa bar kung nasaan sila.

Ang sisteret ko naman na 'yon, bakit naman nagpakalasing ng ganoon?

"Valley Hideout po!" sabi ko sa driver ng tricycle na sinasakyan ko.

Mabuti na lang at medyo malapit lang bar sa pinagtatrabahuhan ko at ilang minuto lang ay nakarating na 'ko.

Pagpasok ko sa bar ay ingay at iba-ibang kulay ng ilaw na masakit sa mata ang bumungad sa akin. Hinanap agad ng mga mata ko kung nasaan sila Tina.

"Emon, dito!"

Hinanap ko agad si Reign nang marinig ko at agad ko naman silang nakitang nakaupo sa isa sa mga couch, dadalawa lang sila doon and I can say... Tina looks so wasted right now.

Dali-dali akong pumunta roon at tinabihan si Tina, mag-aalas-onse na rin kasi ng gabi at paniguradong hinahanap na siya nila Kuya Colen.

"What happened?!" nag-aalalang tanong ko.

Nagkibit-balikat si Reign. "Inaya niya lang ako rito, akala ko naman chill-chill lang. Ayan..."

"Sis, ano bang nangyari?" tanong ko rito. "Tell us, nag-aalala kami sayo."

"Emon?" tanong nito na parang kinikilatis pa ako. "Emon! Sis! Anong ginagawa mo rito?"

"Tina, anong nangyari?" nag-alala na ring tanong ni Reign. "Kanina pa kita tinatanong, ano ba talagang nangyari?"

Tumawa ito. "Masakit eh. Masakit 'to..." sabi nito at tinuro ang puso niya. "Guys, nagkulang ba ako?"

Nanatili lang kaming nakikinig kay Tina despite from the fact na hindi namin alam kung anong pinanggagalingan ng mga sinasabi niya.

"Anong nagawa kong mali?" sabi nito at umiyak na nang umiyak. "May mali ba sa akin? May kulang ba sa akin? Alam kong hindi naman ako kagandahan, pero hindi ko naman deserve sigurong masaktan nang ganito, 'di ba?"

"Maganda ka, 'te. Sobrang ganda mo." sabi ko. "Kung ano man 'yang pinagdadaanan mo, alam kong malalagpasan mo 'yan. Enough ka, 'te. Sobra-sobra pa."

Umiiling-iling ito. "Kung enough na pala ako, bakit niya nagawa 'yon? Bakit? Sis, baka kasalanan ko talaga..."

Humikbi ito nang humikbi. "Baka kulang ako. Baka ako nga ang mali, kaya niya nagawa 'yon. Masyado kasi akong tutok sa iba pang bagay, baka hindi ko na nabibigyan ng oras 'yong sa amin. Maybe, maybe... I'm too much to handle."

"No, no... Tina!" sabi ni Reign. "Don't put all the blame on yourself, wala kang kasalanan."

"Hindi eh, alam ko naman sa sarili ko na madalas sumosobra na ako. Madalas ang hirap kong intindihin, kasi maski ako hindi ko na rin maintindihan sarili ko. Baka ganun? Baka napagod na rin siya sa akin kagaya ni Daddy..." sabi nito. "Baka nakakapagod talaga ako. Baka nakakaubos talaga ako..."

Maya-maya lang ay uminom na naman ito nang uminom at saka nanahimik. Doon na ako nakapag-desisyon na ipahatid siya kay Alexis.

"Bakit Alexis? Bakit?" sabi nito habang umiiyak. "Ang sakit-sakit mong mahalin. Ang sakit-sakit mo magmahal..."

Ano bang ginawa ni Alexis?

Maya-maya lang ay dumating na si Alexis at bakas sa mukha nito ang pag-aalala nang makita si Tina.

"Tina, uwi na tayo..." malumanay na sabi nito.

"Umuwi ka mag-isa mo." ani ni Tina. "What are you doing here ba? I didn't even invite you."

THE DEATH WISH OF AKIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon