CHAPTER 19

10 0 0
                                    

Third Person's POV

Isang linggo matapos ang imbestigasyon patungkol sa kaso na maaaring kaharapin ni Vicencio Gomez o mas kilala bilang Mr. Gomez. Napag-alaman ng nakatataas na matagal na itong ginagawa ng nasabing guro, marami na rin ang naging biktima nito at kagaya ni TJ Albarina– takot lang din silang magsalita.

Araw ng Biyernes ngayon, at tahimik na kumakain ang magbabarkadang sina Athalia, Joseph, at Rhianna sa Cafeteria ng Benison. Kagaya ng normal na araw nag-aasaran ang dalawa, samantalang si Athalia ay malalim ang iniisip at panay buntong-hininga.

"Ano namang iniisip ng Disney Princess namin na 'yan?" mapang-asar na tanong ni Rhianna sa kaibigan. 

Napairap naman si Athalia. "Jojo, may tanong ako. 'Wag mong mamasamain ah?" 

Bumaling naman agad sa kanya ang lalaki. "Sure, ano 'yon?" 

"Di ba nagkagusto ka kay Ate?" tanong ni Athalia na agad namang tinanguan ni Joseph. "Is there a time na feeling mo nagka-feelings din si Ate ko sayo?" 

"Hala, bakit naman ganyan ang mga tanungan Tata? Nag-jajalosi-jalosi ka na ata." pang-aasar ni Rhianna. 

"Tanga, hindi." natatawang sabi ni Athalia.

"At natanga pa nga po ako, opo." ani ni Rhianna na tinawanan na lang ng kaibigan. 

Muling bumaling si Athalia kay Joseph at hinintay ang sagot nito. 

"Not sure, Tata. Mixed signals kasi ang Ate mo eh." napapailing na sabi ni Joseph. 

Napakunot ang noo ni Athalia. "So, Ate is giving you mixed signals?" paninigurado pa nito na agad namang tinanguan ng lalaki. "Edi ibig-sabihin nagkaroon siya ng feelings sayo kahit papaano." 

"Saan ba patungo ang usapan na 'to, Athalia Ysabella?" pagsingit na naman ni Rhianna na sinang-ayunan ni Joseph. 

"Noong nanliligaw ka sa kanya, do you give her something?" pagtatanong ulit nito. 

"Like what?" tanong din Joseph.

"Like dress, necklace... ring? S-something she can keep and wear." Athalia said hesitantly. 

Tinignan ng seryoso ni Joseph si Athalia. "Are you suspecting me, Tata?" 

Akmang sasagot na sana si Athalia at sasabihin ang nais niya talagang itanong, nang biglang tumunog ang sound system ng Benison.

[Mr. Vicencio Gomez of the College of Arts and Social Sciences, please go to the Dean's Office. NOW!!] 

Ang simpleng mensahe na 'yon ay naging dahilan nang biglaang pag-ingay ng estudyante ng Benison, hindi lang sa Cafeteria kundi sa buong Benison. 

Samu't-saring teorya ang agad na nabuo sa isipan ng mga estudyante, isa na roon ang teoryang kung baka Vicencio Gomez ang tinutukoy ni Celestine sa kanyang blog spot.

"May alam ka ba sa nangyayari?" tanong ni Joseph kay Athalia. 

"Oo, marami." agad na sagot ni Athalia. "Baboy 'yang Gomez na 'yan, putangina nyan!" 

"Bunganga mo, girl!" suway ng kaibigan sa kanya.

"Totoo naman. Ang mga corrupt na nagpapahirap sa atin at mga manyakis na kagaya niya, dapat namamatay ng maaga. Kung pwede lang silang katayin at ibenta ang mga lamang loob nila matagal ko nang ginawa!" seryosong sabi nito at saka tumayo.

"Oh, where are you going na naman?" tanong ni Joseph. 

"Sa Dean's Office." agad namang sagot ni Athalia.

"Hindi naman ako na-inform na ikaw na pala si Vicencio Gomez, kailan ka pa naging panot aber?" sarkastikong sabi ni Rhianna. 

"Whatever, Rana." sagot ni Athalia at umirap. "Mauuna na ako, sama ba kayo?" 

THE DEATH WISH OF AKIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon