TINA'S POV
Tatlong araw simula nang mawala si Aimee, nananatili parin ang lungkot at sakit sa mga taong iniwan nito. Samantalang, nananatili parin ang napakaraming tanong na sumasagi sa isipan ko, at isa na roon ang mga mantsa ng dugo sa puting damit ni Joseph noong araw na nakiki-isyoso kami sa abandonadong building.
[FLASHBACK]
Kasalukuyan kaming nasa Hallway ng abandonadong building sa Campus ng Benison, kung saan natagpuang nakabitin si Aimee sa isa sa mga rooms dito.
Nakatatak agad sa isipan ng mga estudyanteng naririto na ang talagang dahilan nang pagkawala nito ay ang pag-ccommit nito ng suicide.
Pero, hindi ko alam. Duda ako. Dudang-duda ako sa biglaang pagkawala ng taong ito.
Iba talaga ang pakiramdam ko, hindi ko alam kung dahil ba sa rito rin binaboy at pinatay ang kaibigan kong si Akime o may kakaiba nga talagang nangyayari... o mangyayari.
Maya-maya lang ay inalabas na ang bangkay ni Aimee mula sa isang silid. Kasabay noon ang biglaang pag-ingay ng lugar na 'to na kanina lang ay napakatahimik.
"Hindi parin nag-sisink in sa isip ko na wala na ang isa sa pinaka-gullible na tao sa club natin..." nanlulumong ani ni Ara. "Bakit kaya niya nagawang tapusin ang buhay niya?"
"Not all scars are visible..."
Ramdam ko ang agaran nilang paglingon sa akin, nang dahil sa sinabi ko.
"Some of us are hiding those scars by our smile. Kung totoo mang nag-suicide nga si Aimee, siguro isa siya sa mga taong tinutukoy ko; tinatago 'yong sakit at pighati, sa simpleng pag-ngiti." dagdag ko pa.
"Deep..." komento naman ni Alexis na nasa tabi ko lang.
"Talagang malalim."
Agad akong napalingon kay Athalia, nang bigla itong magsalita. Kitang-kita ko sa mata niya ang sakit, alam kong isang kibot lang nito ay paniguradong magtutuluan na ang mga luha niya.
"Malalim, masakit, at mabigat. Sobrang sakit mawalan." dagdag pa nito, at agad na naglakad palayo.
Balak ko na sana siyang sundan, pero biglang hinila ni Alexis ang braso ko, kaya agad ko naman itong sinamaan nang tingin.
"Bakit ba?!" inis na ani ko.
Saglit pa 'tong napailing at humagikgik. "Hayaan mo muna siya Tina, kailangan ni Tata'ng mapag-isa."
Hindi na lang ako kumibot pa, dahil kahit papaano ay may punto siya.
Saglit pa akong tumingin sa daang dinaan ni Athalia, at nang hindi ko na siya matanaw ay agad akong naglabas ng isang buntong-hininga.
Masyadong traumatizing ang biglaang pagkawala ni Akime sa kapatid niya. Ilang taon lang siya noong mangyari ang mga bagay na 'yon sa Ate niya; sa Ate niyang tinuring ko ring kapatid.
To be honest, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang wala na si Akime. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung paano ko tatanggapin ang nasapit niya sa lugar na 'to, gayong alam ko na hanggang ngayon ay hindi parin niya nakukuha ang justice na nararapat para sa kaniya.
Tama ang sinabi ni Athalia, sobrang sakit mawalan.
"Nangangalay na ako, Tina..."
Agad akong napatingin sa nag-salitang si Alexis. Balak ko na siyang awayin, dahil inistorbo niya ang pag-mumuni-muni ko, pero agad ko rin namang nakita ang panyo niyang tila kanina niya pa inaabot sa akin.
Teka... bakit niya ako inaabutan ng panyo? Hindi naman ako-
"Umiiyak ka, Tina. Umiiyak ka na naman, nang hindi mo namamalayan." ani na naman nito.
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Misteri / ThrillerMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...