CHAPTER 40

4 0 0
                                    

ATHALIA'S POV

Matapos kong banggitin ang mga katagang 'yon ay lumabas na ako ng room namin at hindi na hinintay pa ang mga sasabihin nila. Alam kong nabigla sila lalong-lalo na si Mrs. Peralta at ang anak niyang si Jojo.

Nakarating ako sa gymnasium ng Benison at ramdam ko na may sumusunod sa akin, at amoy pa lang ng pabango ay alam ko ng si Jojo 'yon.

"Tata, mag-usap nga tayo!" sabi nito.

Nilingon ko ito nang nakangisi. "Para saan? Para mag-sinungaling ka ulit sa akin?"

"Ano bang sinasabi mo?!" sabi niya. "Hindi ako ang pumatay sa ate mo. Minahal ko ang ate mo, Tata! Hinding-hindi ko magagawa sa kanya 'yang mga binibintang mo!"

"Talaga?!" natatawang sabi ko. "Talaga, Jojo?! Talaga?!"

"Oo, talaga!" sagot niya. "Saan ba nanggagaling 'yang mga sinasabi mo, ha? Kung makapagsalita ka parang siguradong-sigurado ka na may kinalaman ako sa pagkamatay ni Akime."

"At bakit wala ba?!"

"Wala!"

"Eh, ano 'to?!" ani ko at pinakita sa kanya ang kopya ng CCTV footage na nakuha ko sa laptop ni Ate Tina.

Akmang hahablutin na niya ang phone ko nang agad kong maiwas ito. "Saan mo 'yan nakuha?!" bulyaw nito sa akin.

"Wag mo 'kong sinisigawan, gago ka!" sabi ko. "Ikaw pa ang may ganang mag-amok? Ang kapal naman ng mukha mo."

"Uulitin ko, Tata. Saan mo nakuha mo 'yan?" tanong nito.

"Hindi na mahalaga kung kanino o saan ko nakuha ito. Ang gusto kong malaman kung anong ginagawa mo sa lugar na 'yan, noong gabing namatay ang ate ko?!" sabi ko. "Akala ko ba wala kang alam?"

Hindi ito nakasagot.

"Akala ko ba inosente ka? Of all people, hindi ko alam na ikaw lang pala ang matagal kong hinahanap..." sabi ko. "Nagtiwala ako sayo."

"I'm sorry, Tata..." nanlulumong sabi nito. "Pero maniwala ka sa akin, hindi ako ang pumatay sa ate mo."

Umiiling-iling ako. "Satingin mo magagawa ko pang maniwala sayo? Ano na namang palusot ang naisip mo?"

"Hindi ako nagpapalusot, totoo ang sinasabi ko." sabi ni Jojo. "Hindi ako ang pumatay sa ate mo."

"Eh, sino?!? Kung hindi ikaw ang pumatay sa ate ko, anong ginagawa mo sa lugar na 'yon noong gabing 'yon?" bulyaw ko. "Tangina, Joseph! Ilang beses akong nagtanong sayo, ilang beses mo 'kong pinaniwala na wala kang alam; na dapat hindi kita pagdudahan, kasi mahal mo ang ate ko."

"Mahal ko ang ate mo, Tata..." sabi niya. "Maniwala ka't sa hindi, minahal ko ng totoo ang ate mo."

"Kung mahal mo talaga ang ate ko, magsasabi ka ng totoo. Anong ginagawa mo sa lugar na 'yon noong gabing 'yon?!" ani ko. "Ngayon mo patunayan ang sarili mo."

"Bukod kay Ate Tina, isa ako sa tinawagan ng Ate mo bago siya dalhin sa lugar na 'yon- sa abandonadong building ng Benison..." kwento niya. "I was so worried at that time kaya pumunta ako..."

Nakinig ako.

"Pero huli na. Patay na ang ate mo noong dumating ako." nanlulumong sabi ni Joseph.

"Have you seen their faces?" I asked.

Tumango siya.

"Kilala mo sila?!?" tanong ko at tinanguan niya. "And you didn't even bother to tell me?!? Tangina, Jojo naman..."

"Hindi ganoon kadali, Tata!" sabi niya. "I was about to call the police noong mga oras na 'yon, but they caught me. They threat me."

Napakagat ako sa labi ko, dahil nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko. "At nagpadala ka naman sa takot mo."

THE DEATH WISH OF AKIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon