CHAPTER 31

9 0 0
                                    

ATHALIA'S POV

Dalawang linggo matapos nang nangyaring sagutan between me and Ate Tina sa abandonadong building, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya kinakausap, at hindi ko rin alam kung magagawa ko rin siyang kausapin.

Kasalukuyan akong nasa loob ng kwarto ko ngayon, nag-iisip, humahanap ng tyempo upang makapasok ulit sa loob ng kwarto ni Ate baka sakali kasing may makuha pa akong ibang gamit niya roon. Hanggang ngayon kasi marami pa ring tanong ang bumabagabag sa isipan ko.

'Sino ang misteryosong taong nag-tetext sa amin ni Ate Tina?'
'Sino ang nagbigay ng singsing na iyon sa Ate ko?'
'Sino ang naglagay ng nawawalang uniporme ni Ate sa locker ko?'
'Ano pang nalalaman ni Esang?'
Sino ang pumapatay sa loob ng Benison?

Iilan lang 'yan sa mga katanungan sa isipan ko, at hindi ko alam kung kakayanin ko pang mag-isip kung sakaling may nalaman na naman ako.

Ilang araw na ring nag-chachat sa akin si Ate Tina, she even called me pero naka-restrict na siya sa messenger ko. Kung ano man ang sasabihin niya, I was hoping na nonsense lang 'yon at hindi 'yon tungkol sa Ate ko, dahil hindi ko pa kakayaning makipag-usap na naman sa kanya, ni hindi ko nga alam kung dapat pa nga bang pagkatiwalaan siya ulit.

I felt betrayed. Hindi ko alam kung alin sa mga sinabi ni Ate Tina ang totoo at hindi.

"Knock, knock!"

Napatingin ako sa may bandang pintuan ng kwarto ko at agad ko namang nakita si Aliana na nakatayo roon at pinagmamasdan ako.

"Kanina ka pa ba r'yan?" tanong ko. "You're violating my privacy, kung oo."

Tuluyan na itong pumasok. "Grabe siya talaga sa akin, oh? Kadarating ko lang, sissy ko."

"What do you need?" I asked.

"May bisita ka sa baba." sagot nito. "Si Joseph."

Agad namang nanlaki ang mata ko. Anong ginagawa ng gunggong na 'yon dito?

"Bakit daw?" sabi ko at saka tumayo't nagsimula nang maglakad pababa.

Sumunod naman sa akin si Aliana sa akin. "Aba, malay ko!"

Nang tuluyan kaming makababa ay agad ko namang nakita si Joseph na nakaupo sa single sofa namin sa sala, habang nag-kunkunwaring nanonood ng TV. Kailan pa ba siya nahilig manood ng comercial?

Napailing na lang ako't pinigilang matawa. "Anong ginagawa mo rito?"

Agad itong tumayo sa kinauupuan niya at nilapitan ako. "Pwede ba tayong mag-usap?"

Napakunot ang noo ko. "Tungkol saan?"

"Tungkol sa'tin..." ani nito, nakaramdam naman agad ako ng kakaibang kaba.

[Now Playing: Ikot by Over October]

Tungkol sa amin? Ano bang mayroon sa amin?

"Hala, omg. Kinikilig naman ako sa inyo." side comment ng katabi ko.

"Shut up." seryosong sabi ko at sinamaan ito nang tingin.

"Yes, oo. Mag-sshut up na nga eh!" ani nito at umakto pa na zinipper niya ang bibig niya, napailing na lang ako't inirapan ito.

Nauna na sa labas ng bahay namin si Jojo, kaya lumabas na rin ako. Nang makalabas ako ay agad ko naman siyang nakitang nakatayo habang nakasandal sa sasakyan niya.

"Kumusta ka?" tanong niya nang makalapit na ako.

Napakunot ang noo ko. "Akala ko ba tungkol sa atin ang pag-uusapan natin?"

THE DEATH WISH OF AKIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon