CHAPTER 33

8 0 0
                                    

ATHALIA'S POV

"We'll be celebrating my 18th birthday on saturday, baka gusto mong pumunta, Athalia?" tanong sa akin ni Kyla. "You're sister will come."

"No, thank you. May duty ako on that day, advance happy birthday na lang-"

"And, you're Kuya Alexis din pala." sabi ni Kyla na nagpatigil sa akin.

"What?!" gulat na tanong ko.

"Yes! Asawa ng kapatid kong si Ate Seah ang pinsan ni Kuya Alexis." nakangiting sabi nito. "Si Kuya Xander."

"Okay?"

"And my sister asked Kuya Alexis if he can help them sa pag-oorganize ng debut ko." explain nito. "Kaya punta ka ha? Magtatampo talaga ako sayo kapag 'di ka gumora. Aasahan kita."

Matapos sabihin ni Kyla 'yon ay agad na rin naman siyang sumunod sa mga kaibigan niya, sakto ring namang dumating na sila Jojo at Rana.

"Eksena non?" tanong ni Rana. "Frenny mo na rin sila?"

"Eme ka!" sabi ko. "She's just inviting me to her debut."

Napataas ang kilay ni Rana. "Echosera? Close ba kayo?"

Agad akong umiling. "Close sila ni Aliana."

"Tapos feeling close sila sayo?" natatawang sabi naman ni Jojo. "Pero, pupunta ka ba?"

Nagkibit-balikat ako. "As per Kyla, Kuya Alexis will come."

"What?!" gulat na sabi ni Rana. "Don't tell me close din 'yang mga chararat na 'yan kay Kuya Alexis?"

"I don't know, ang sabi niya kapatid niya ang napangasawa ng pinsan ni Kuya Alexis na si Kuya Xander." I explained. "And they asked Kuya Alexis to help them."

"Naks, masaya na naman ang kiffy ni Aliana." natatawang sabi ni Rana.

"Yuck, Rana! You're so gross." sabi ni Jojo. "Eh, si Ate Tina ba sasama?"

Nagkibit-balikat ako.

"Hindi mo pa rin ba siya kinakausap?" tanong ni Jojo.

Umiling ako. "I don't know how."

"Pagpahingahin mo muna sarili mo, Tata. Magiging maayos din kayo ni Ate Tina." sabi ni Rana at nginitian ko 'to. "Nga pala, 'yong short story na pinagagawa ni Mrs. Peralta nasimulan niyo na ba?"

"Wala pa! Lagi nga naming pinag-aawayan ni Mama 'yan eh." sagot agad ni Jojo. "Bakit hindi ko pa raw sinisimulan, mukha bang writer 'tong anak niya?" ani nito at tinuro pa ang sarili.

"Hindi. Mukhang suspect sa soco ang anak niya!" pang-aasar ni Rana at agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Jojo. "Ikaw, Tata? May nasimulan ka na ba?"

"Wala pa rin eh. Wala akong mahanap na inspiration to start." I said.

"Ako, pwede mo 'kong maging inspirasyon."

Napatingin naman kami kay Enzo na bigla na lang tumabi sa akin.

Agad namang napataas ang kilay ko. "Ano namang mapapala ko sayo?!"

"Agay!" pang-aasar sa kanya ni Vince.

"Lumayas ka na nga rito Enzo, 'di ka belong dito tsupi!" sabi ni Rana pero nasa tabi ko pa rin si Enzo. "Lalayas ka rito o gagawin mong inspirasyon ang kamao ni Joseph?"

Agad namang tumayo si Enzo at itinaas pa ang kamay na parang sumusuko, parang ewan lang. Tsh!

"Ito na nga. Ito na. Kalma mo, Rhianna!" natatawang sabi ni Enzo at saka umalis na.

THE DEATH WISH OF AKIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon