CHAPTER 42

7 0 0
                                    

ATHALIA'S POV

Second week na ng December ngayon, malamig na rin ang simoy ng hangin. Magpapasko na, kahit hustisya na lang para sa Ate ko ang regalo mo sa'kin, Lord.

Kasulukuyan akong nasa bahay ngayon at nag-aayos ng mga kakailanganin ko para sa mangyayaring Battle of The Bands mamayang gabi. Tinatamad man ay parte ng pagiging Campus Journalist ko ang pagpunta sa events na kagaya nyan para sa documentation.

Tapos na rin ang exam namin, at para sa huling araw namin ngayong taon bago ang sembreak next week ay may mga programs munang gaganapin sa Benison. Speaking of mag-sesembreak na, matapos ang naging confrontation namin ni Jojo ay nag-exam lang kami nang dalawang araw at pagkatapos noon ay hindi ko na siya nakita pa. Nakapagtataka lang, dahil hindi man lang din ako kinulit nito at tinangkang kausapin ulit.

Hindi ko tuloy alam kung paniniwalaan ko ba ang mga sinabi niya sa akin noong mga nakaraan. Galit man ako sa kanya, pero may parte sa akin na nag-aalala lalo na ngayon na hindi siya nagpaparamdam. Galit man ako, pero umaasa pa rin ako na lahat ng sinabi niya sa akin ay totoo... na wala talaga siyang kinalaman sa pagkamatay ng ate ko, dahil hindi ko kakayaning patawarin ang sarili ko't napamahal ako sa isang kriminal.

Lumabas na ako sa kwarto dala-dala ang isang bag na may laman ng mga kakailanganin ko. Nang tuluyan na akong makababa ay nadatnan ko si Aliana na lumalantak ng mangga.

Hindi na rin siya pinapasok pa ng Tatay niyang si Nelson matapos nitong malaman na buntis ang magaling niyang anak, sinayang lang daw ni Aliana ang tuition na inutang pa nila ni Mama makapasok lang siya–maski si Mama ay disappointed sa ginawa niya. Sino bang hindi?

Kalat na rin sa section namin ang nangyari kay Aliana, dahil sa mga so called friends niyang sina Kyla. Mabuti na lang ay hindi pa kumakalat na si Kuya Alexis ang ama ng dinadala niya. Lumalaki na rin ang tyan ni Aliana, mag-iisang buwan na rin. Hays, kumusta na kaya si Ate Tina?

Napapailing na lang akong tinignan si Aliana at saka dumiretsong lumabas ng bahay, pauwi na rin naman na siguro si Mama kakailanganin niyang samahan ang kasama namin sa bahay na buntis. Bahala sila r'yan!

ALEXIS'S POV

"Akala ko ba mahal mo? Bakit mo tinigil?" tanong ni Dada sa akin.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi na pwedeng ipagpatuloy pa e. Komplikado."

"Komplikado, dahil nagbunga na." seryosong sabi ni Mama. "Nak, fourth year ka pa lang."

"I'm sorry..." nahihiyang sabi ko. "Sorry po talaga, I know all your sacrifices..."

"And you wasted it." ani ni Dada. "We trusted you."

"Pero ano pa bang magagawa namin? Nandyan na 'yan. Kasalanan naman sa Diyos kung ipapalaglag natin ang dinadala ng babaeng 'yon!" inis na sabi ni Mams. "Paano si Tina?"

"Wala na po." I said. "She decided na itigil na namin."

Agad namang gumuhit ang lungkot sa mga mata ng parents ko, kasabay noon ang pagbagsak ng mga luha ko mula sa mga mata ko.

"S-she knows daw kasi how hard to live without... father." I said. "She knows how painful it is to be neglected by your own father."

Tumingin ako sa mga mata nila. "And she don't want my daughter or son to experience the same thing..."

"She's so pure..." Mom said.

"She is." I said. "Believe it or not, hindi ko ginusto ang nangyari. You know how much I love Tina..."

Hindi nagsalita ang parents ko. "Hindi ko ginustong saktan si Tina. Hindi ko ginustong saktan ang taong mahal ko..."

Hinawakan ni Msma ang mga pisngi ko at pinaharap ako sa kanila. "Alam kong alam ni Tina 'yon. Nandito na tayo 'nak eh, kailangan mong harapin ang mga consequences ng actions mo, kung noon natatakbuhan mo pa ang dilemma mo sa buhay ngayon hindi na pwede, dahil gaya nga ng sabi ni Tina mahirap at masakit lumaki nang wala ama."

The Death Wish of Akime Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon