ATHALIA'S POV
"Nakapagtataka, paanong wala kaming ma-detect na kahit na anong fingerprint sa mga estudyanteng namamatay sa eskwelahang 'to." ani ng kasamang detective ni Chief Andaya.
Kasa-kasama rin nila ngayon ang President ng Benison na si President Garcia at ang Dean ng CASS na si Dean Gavina . Halos puno ang abandoned building kanina ng mga estudyante at taong nakikiisyoso, mabuti na lamang at pinaalis ito ng President para makapag-document kami nang maayos.
"May cctv ba rito, sir?" tanong ni Chief Andaya kay President Garcia.
"Mayroon." sagot ni President Garcia.
Nagkatinginan ni Ate Tina, nasa isip na namin kanina kung paano kung nakita siya sa cctv noong gabing 'yon? May possibility na mapagbintangan siya. Napag-usapan namin kani-kanina lang na mas makabubuti siguro kung mananahimik na lang siya upang hindi na siya madamay.
Pero ngayon, hindi na namin masisiguro kung makakatakas pa ba siya.
"I've seen Shona's tongue inside that room."
Agad kaming napatingin sa babaeng dumating at agad namang nanlaki ang mata namin nang malamang si Esang 'yon.
"Miss Aquino?" gulat na sabi ni Dean Gavina. "What are you doing here?"
Hindi nag-abalang sagutin ni Esang ang tanong ni Dean Gavina at bumaling ito kay Chief Andaya na agad siyang pinuntahan.
"Saan mo nakita ang dila ni Miss Comparativo?" seryosong tanong sa kanya ni Chief Andaya, agad namang itinuro ni Esang ang room kung saan pinatay ang Ate ko at si Aimee.
Nagkatinginan kaming apat nila Ate Tina. Alam kong iisa ang nasa isipan namin.
Paanong nakita niya? Nandoon din siya? Anong ginagawa niya rito noong gabing 'yon?
"Anong ginagawa mo rito noong gabing 'yon?" tanong ni Chief Andaya sa kanya at hinintay naman namin siyang sumagot.
"Madalas ako rito. Noong gabing 'yon sinamahan ko ang kaibigan kong mag-banyo, naiihi raw kasi siya." kwento niya. "Naglakad-lakad lang kami kagaya ng madalas naming ginagawa, hanggang sa makarating kami rito. May mga sigawan kaming narinig kagaya ng "tulungan niyo 'ko!", sinundan namin ang sigaw na narinig namin."
"Anong nakita niyo?" tanong ni President Garcia.
Natawa ito. "Wala ho kaming nadatnan, kundi mga bakas ng sariwang dugo at ang dila ni Comparativo."
"Maaari mo bang sabihin kung sino ang kasama mo noong gabing 'yon?" tanong ni President Garcia sa kanya.
Umiling ito. "Hindi po eh."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at hindi naiwasang lumingon muli.
"Mahiyain po kasi siya. Takot din po siya sa ibang tao, masasama raw po kasi sila." sagot nito. "Wag niyo na pong pag-aksayahan ng panahon si Shona, mahirap pong lutasin ang kasong kagaya ng sa kanya. Nagtatago po kasi sila eh."
Nagkatinginan kami ni Ate Tina at parehas kaming gulat sa mga naririnig namin.
May saltik ba talaga siya? Tangina, she's so weird. Anong alam niya?!
May nais pa sanang itanong sa kanya si Chief Andaya, pero naglakad na ito palayo sa amin.
"Kakilala niyo 'yon?" tanong sa amin ni President Garcia at agad naman kaming tumango.
"Kaklase ko po." sagot ko. "Siya po si Melissa Aquino."
Tumango-tango si President Garcia. "Kakilala niyo ba ang kaibigang sinasabi niyang kasama niya?"
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Misteri / ThrillerMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...