CHAPTER 38

8 0 0
                                    

ATHALIA'S POV

Tatlong linggo na ang nakalipas simula noong nakita ko ang litrato ni Chief Andaya sa Diary ng Ate ko. Sinubukan ko siyang tawagan, pero hindi ito sumasagot. Sinubukan ko na rin siyang puntahan sa station kung saan siya nakadestino, pero wala rin daw siya.

Hindi ko alam kung tinatarantado niya ako o tinataguan. Kailangan kong malaman kung ano ang koneksyon niya sa Ate ko, no matter what it takes.

Kasalukuyan akong nasa puntod ni Ate Kime ngayon, dahil ngayon ang kaarawan niya. Hindi man lang naalala ni Mama 'yon, ano pa nga bang aasahan ko sa magaling naming ina?

"Hello, ate! Ilang taon mo na ring pinagdidiwang ang birthday mo dyan. Masarap ba ang mga handa mo?" sabi ko at ipwinesto ang bulaklak na binili ko sa kanya mula sa tapat. "May dala rin akong mga make up haha, mahilig ka rito eh. Magpaganda ka r'yan ha? Pakitaan mo sila ng skills mo sa make up."

Naupo ako sa tapat ng puntod niya. "Ang hirap kunin ng hustisya mo, ate. Pwede bang ibulong mo na lang sa akin kung sino talaga ang gumawa ng mga 'yon sa iyo? Marami akong pinagdududahan, pero hindi ko alam kung sino ba talaga sa kanila ang tunay na may sala."

"Nag-away pa kami ni Ate Tina, ate. 'Yong kaibigan mo naman kasi na 'yon, hindi sinabi sa akin ang totoo. Pero napatawad ko na siya, ate. Kahit papaano naiintindihan ko na kung bakit niya tinago sa akin 'yon." sabi ko. "At 'yong kaibigan mo na si Kuya Alexis, ay nako! Alam ko naman na mahal na mahal nila ni Ate Tina ang isa't-isa, nakikita ko 'yon kahit noong mga panahong buhay ka pa. Pero ito ako ngayon namromroblema..."

"Nakita ko ba naman kasi sila ng magaling nating stepsister na si Aliana na may ginagawang milagro. Alam mo naman kung gaano ka-pure si Ate Tina, hindi niya deserve ang pain na mararamdaman niya sa oras na malaman niya 'yon." I said. "No one deserves to feel that kind of pain. Ang sabi ni Kuya Alexis, siya raw ang bahalang magsasabi noon kay Ate Tina, pero hanggang ngayon clueless pa rin si Ate Tina. Iniisip ko tuloy kung ako na ba ang magsasabi o hahayaan ko na lang ang tadhanang magsabi noon sa kanya."

"Nga pala, ate. Pwede ba akong magtanong? Anong kinalaman ni Esang sa pagkamatay mo, bakit tila ang dami-dami niyang alam sayo at sa pagkamatay mo?" napatingin ako sa kalangitan. "At si Chief Andaya, bakit may litrato ka nya sa diary mo? Anong koneksyon niya sayo?" I stopped. "Eh, si Ate Ara? Bakit may singsing siya na kaparehang-kapareha ng iyo? Bestfriend ring ba 'yon? Eh, bakit wala si Ate Tina, 'di ba trio kayo?"

Napakaraming tanong ang bumabagabag sa isipan ko, ate ko. Ilang buwan na simula noong nag-simula kaming mag-imbestiga sa pagkamatay mo, pero until now wala pa rin akong nakukuhang sagot.

Tumayo ako, dahil medyo dumidilim na rin ang kalangitan. "Mauuna na ako, ate ko. Mahal kita palagi. Happy birthday!"

Pinagpagan ko ang suot kong trousers at saka sandali pang tumingin sa puntod ni Ate, at doon ako biglang nakaramdam ng hangin at init na tila niyayakap ako ni Ate, naamoy ko rin ang pabango niyang clouds na lagi niyang gamit. I think it's her way of saying she loves me too.

Pumara ako ng tricycle malapit sa sementeryo at saka sumakay na. Ilang minuto lang din ang binyahe ko at nakarating na ako sa bahay namin.

Maghahapon na rin nang makarating ako at dumiretso ako sa kwarto ko upang simulan na ang maikling kwentong ipapasa ko kay Mrs. Peralta, ngunit ilang oras pa ang nakalipas ay wala pa rin akong nasusulat na kahit na ano.

Saan ba ako kukuha ng inspirasyong mag-sulat?! -.-

"Tama na ang kalokohang 'to, nagugutom na 'ko. Kakain muna ako!" sabi ko sa sarili ko.

Pagbaba ko ay agad kong nadatnan si Aliana na nakahilata habang nanonood sa phone niya.

"May binili akong siomai r'yan, kain ka na!" sabi nito.

The Death Wish of Akime Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon