ATHALIA'S POV
Ginabi na rin ng uwi si Aliana at mukhang wala ito sa wisyo nang dumating. Namamaga ang mga mata nito, mukhang may sinabi sa kanya si Kuya Alexis.
"Welcome back!" pang-aasar ko. "Nag-enjoy ka ba kagabi?"
Hindi ito sumagot.
"Ang lala mo, Aliana." napapailing na sabi ko. "Sobrang lala mo."
"Oo na, malala na. Malandi na. Ano pa?!" sabi nito. "Ano ba kasing mayroon sa Tina na 'yan? Bakit palagi niyo siyang pinagtatanggol?"
Ngumisi ako. "Baka masaktan ka lalo kapag sinagot ko 'yang tanong mo."
"Tangina mo!" malutong na mura nito.
"Tangina mo rin, ano nanggagalaiti ka na ba sa inis? Sa inggit?" sarkastikong sabi ko. "I told you, Aliana. You can't force everything, hindi ka pinagpalang lubos para makuha lahat ng gusto mo. Sino ka ba kasi?"
Hindi na ito nakasagot pa nang dumating na sina Mama at ang Tatay niyang si Nelson na lasing na lasing na naman. Mag-ama talaga.
Umalis na ako't dumiretso sa kwarto ko. Nakapatong sa table ko ang Journal ni Ate, mukhang malaglag na ito kaya aayusin ko na sana ito nang biglang may malaglag na litrato mula rito.
Nakatalikod ang pagkalaglag ng litrato at nang iharap ko ito ay halos mapabalikwas ako sa gulat ko. Kakaibang kaba ang naramdaman ko.
"Bakit may litrato ni Chief Andaya dito?" bulong ko sa sarili ko.
TINA'S POV
"Jusko, malapit na naman ang finals!" reklamo ni Tata habang nakasampa ang dalawang paa niya sa mesa. "Hindi ko pa natatapos gawin ang short story namin para sa subject ni Mrs. Peralta."
Medyo bumabalik naman na ang pagiging jolly kahit papaano ni Tata. Nakikisalamuha na rin siya sa amin. Kinakausap niya na rin ako nang paunti-unti kaya masaya at panatag na kahit papaano ang puso ko.
Tatlo lang kami nila Reign sa loob ng THE JOURN ngayon, si Emon ay natanggap na sa ina-applyan niya kaya umalis din siya agad nang mag-dismiss ang huling prof namin. Wala rin naman kaming gagawin ngayon sa THE JOURN kaya ayos lang.
"Bakit hindi mo gawan ng maikling kwento 'yong mga article na isinusulat natin?" tanong ni Reign sa kanya. "Mystery thriller ang genre."
"Susubukan ko, ulan. Salamat!" masayang sabi ni Tata. "Ate Tina..."
Napalingon ako rito. "Hmm?"
"Kumusta kayo ni Kuya Alexis?" tanong nito.
Napakunot ang noo ko. Ang unusual ng tanong niya. "Ayos naman, bakit mo natanong?"
Tumango-tango ito. "Nasa party pala siya ni Kyla last time..."
"Ah... yes? Nagpaalam siya sa akin na tutulungan niya raw sila Kuya Xander doon." sagot ko. "Ano bang meron?"
"Baka nambababae si Alexis doon, paktay-"
"Hoy, anong pinag-uusapan niyo? Binabackstab niyo na naman kami ah?"
Napatingin kami sa kadarating lang na sina Alexis at Ara. Agad na dumiretso sa akin si Alexis at inakbayan ako.
"Hala, ba't alam niyo?" natatawang sabi ko at inirapan naman ako ni Ara.
"May chinichika sa amin si Tata!" sabi ni Reign. "Nambababae ka raw sa party ng kaklase ni Tata, Alexis."
"Hala, dapat sa mga kagaya mo Alexis phini-phase out eh." pang-aasar naman ni Ara na ikinatawa namin.
"Tanga, 'wag kayo nagpapakalat ng fake news. Masama 'yan!" inis na sabi namin ni Alexis. "Kapag tinoyo 'to, kayo manunuyo ah?"
"Lul, kami ba 'yong babaero?" sabi naman ni Reign.
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Mystery / ThrillerMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...