Prologue

1.4K 44 12
                                    


Prologue

Graduation Day

Natatandaan ko pa. . .

Lahat ng classmates ko nagtipon-tipon sa loob ng napakalaking stadium para luminya. Suot-suot nila ang mga puting academic gown na animo'y bagong laba- hindi nadudumihan. Kung madumihan man, handa ang mga magulang nilang ayusin ang suot na damit.

Yung ibang bata pa ayos na ayos ang suot, halatang plantsado. Amoy na amoy din ang gamit na pabango. Halo-halo na dahil sa dami ng tao.

Maingay. Masikip. Nakakainis dahil hindi ako makasabay. Ayaw ko pati ng sobrang ingay. Bata pa lang ako, iritado na ako sa paligid ko. Aaminin ko, madalas akong pagalitan ng Tita Shenna ko dahil sa sobrang katarayan ko. Parehas lang naman kaming mataray kaya ayos lang, mas lalamangan ko na lang siya paglaki ko.

I was in kindergarten.

Tahimik lang ako sa isang sulok, naka-cross ang dalawang braso, nililibot lang ang tingin sa kabuuang lugar, pinapanood ang lahat sa kanya-kanya nilang ginagawa. Pero ang mata ko ay napatigil kay Milan na nakatingin din sa akin hindi kalayuan. Nasa pila na siya, medyo maliit siya sa akin nang konti kaya nasa unahan siya.

Kumaway siya sa akin at ngumiti pero hindi ko pinansin.

Ayaw kong pansinin ang kaklase ko na gaya niyang nakiki-close friend sa akin. Nang ibalik ko ang tingin sa kanya ay nakanguso lang siya, nasa akin pa rin ang tingin. Nang tinignan ko siya pabalik ay ngumiti siya sa akin.

"H'wag ka nga tumingin," I mouthed.

"Ha?" tanong niya sa akin. Nakatakip ang dalawa niyang kamay sa dalawang tenga, tila na-iingayan.

"Sabi ko tumalikod ka na lang!" sumenyas ako na tumalikod siya.

"Ha? Ano yun?" tanong niya pa rin, medyo pasigaw na.

Umikot ulit ang mata ko sa sobrang bagal niya umintindi. "Wag mo nga ako tignan!" sigaw ko rito para malaman niya agad.

Mukha naman narinig niya at ngumuso sa akin. Hindi na ako nagulat nang mag-thumbs up siya sa akin at sinunod ang sinabi ko sa kanya. Pinagtuunan niya na lang ng pansin ang classmate namin na katapat niya sa pila.

"Vanity! Halika rito, anak!"

Lumingon ako kay Teacher Cherlie nang tawagin niya ang pangalan ko. Sumensyas siya sa akin na pumunta sa kinaroroonan niya para doon pumwesto at pumila.

"Ayan, d'yan ka lang, ha? Nahanda mo na ba ang speech mo?" tanong niya sa akin, hindi nawawala ang ngiti kahit alam ko na stress na siya kakaasikaso ng pila nung mga oras na yun.

Tumango ako. "Opo."

"Ayan, very good! Hindi mo talaga ako dini-disappoint."

I smiled triumphantly when I heard that compliment.

I was a consistent honor student. Ako ang top 1 sa klase no'n. Hindi ako naaalis sa mga achievers kahit sa iba naming subjects. Competitive ako. Kapag klase, laging nagrerecite. Kapag may quiz, laging nauuna matapos. Kapag exam, kasama sa mga list na matataas ang scores. Sabi nila beauty and brain ako, nakikita ko naman.

But I remain to myself to focus on my studies.

But some of them are criticizing me. Masyado raw akong proud sa sarili, lumagpas sa langit. Kahit bata pa ako, dinig ko sa paligid ko ang bulungan ng mga may galit sa akin, kahit yung ibang nanay ng classmates ko.

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon