Chapter 43

360 17 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang beses akong umiyak simula ng gabing yun. My eyes shut as tears burst out. Tanging hagulgol ko lang ang naririnig sa tapat ng emergency room. Nalipat na ng kwarto si Kirk ngunit walang lakas si Frezia para silipin ito sa nilipatang kwarto.

Nervousness ran through my system as I headed to the room. I'm sobbing while examining Kirk in bed. Tanging icu ventilator na lang ang bumubuhay sa kanya. May bahid ng cuts, bruises at sugat ang mukha niya dahil sa tinamo mula sa sunog.

I reached for his cold hand and rubbed it gently. Dahan-dahan akong umupo sa upuang nasa tabi ng kama at dinala ang kamay niya sa aking pisngi.

Ang isipin na nangyari ngang lumapat muli ang kamay niya sa aking pisngi ay talagang nakakagaan ng loob. I could finally touch him again but with his slightly cold hand. Ayaw ko ng ganitong pagdampi ng mga balat namin. Yung wala siyang kamalay-malay.

Parang pinapatay ang puso ko sa tuwing tinititigan ko ang mukha niyang walang-buhay. Napayukom ang kamao ko sa tindi ng nararamdaman.

Why is this happening? Bakit nangyari 'to sa kanya?

Hindi ako nakausap nang matino ng tatlo kanina pa dahil sa bigat ng pakiramdam. I can see myself on the glass door soak wet and in tears. Hindi ko na mawari kung tao pa ba ako sa lagay na to.

My heart's still throbbing so fast that I could faint anytime. Hindi ko maalis ang pagsisisi, panghihinayang sa sarili. Ilang beses kong sinisi ang sarili ko dahil nangyari 'to sa kanya. Ilang beses kong binulong sa Diyos na sana wag naman siya, na bigyan niya pa ako ng panahon na makasama si Kirk.

I can't live without him. I lost Herin. I lost dad. I don't want to lose Kirk this time. As much as possible I'll stay. I'll pour my love to him. Take care of him even though he couldn't feel it. He couldn't see me. He couldn't hear my voice. Pero patuloy ko pa rin ibubulong sa kanyang mahal na mahal ko siya kahit hindi niya ako marinig.

"K—Kirk, bakit naman sa ganitong sitwasyon?" nahihirapan kong sambit. "Ano b—ba yan, l—lagi na lang nauudlot."

Alam kong nakakabaliw na tong ginagawa ko dahil iyak tawa ako. Kainis naman, eh. Ito ang ayaw ko sa lahat. Nanganganib na ang buhay ni Kirk sa sitwasyong 'to.

Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto pero hindi ko na binalingan ang mga iyon. I remain focused, crying while eyes locked at Kirk.

"Vanity, I think you have to go home," mahinang usal ni Bjorn sa likuran ko.

"Dito lang ako," I mumbled through sobbing.

"Va—Vanity," Vrenn called. "I don't understand why you're here but. . you need to go home."

Umiling ako. "Sinabing dito lang ako, Vrenn."

Kumamot si Bjorn sa ulo. "I'm confused. I'm totally confused. Matagal na kayo magkakilala ni Kirk?"

"Let her stay here," ani Frezia sa seryosong pananalita. "Let her stay, Kirk needs her. U—Umuwi na lang tayo."

Bjorn gulped. "M—May relasyon ba kayo ni Krik? Why are you acting this way?"

"Bjorn," seryosong tawag ni Vrenn sa kanya. "I-uwi na natin si Frezia."

Isang simpatyang tingin ang pinukol sa akin ni Vrenn bago inaya ang dalawa na lumabas. Hikbi ni Frezia ang huli kong narinig bago tuluyang sumara ang pinto.

Sa pagbabantay ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Napamulat ako ng mata nang may maramdaman ang paghawak ng kamay sa paa ko at sinuotan ng tsinelas. Napalaki ang mata ko nang mabugaran ko si Cholo na nakaluhod sa tapat ko.

His eyes went widened as he caught me looking at him ngunit bumawi ito ng ngiti.

"Sorry kung nagising kita. Wala kang suot na sapin sa paa eh." tumayo ito sa harap ko at bumuntonghininga. "And I—I heard what happened."

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon