Chapter 30

395 21 0
                                    

"Beh, sino ba yun? Sino ba yung gwapong lalaki kahapon na parang concern na concern sayo?" salubong sa akin ni Marife nang pumasok ako ng karinderya.

Nilapag ko ang libro sa table bago bumuntonghininga. I didn't answer that question. Tanghaling tapat heto na naman kami sa topic na 'to. Kagabi ba naman ay hindi ako tinigilan ng dalawa kakachat kung sino si Kirk.

Isa pa, nasa karinderya kami, di ko feel na dito magkwento.

"Tangina, wag mo sabihing. . ex mo?" Koven asked with a wide eyes.

Umiling ako at bahagyang napakunot ang noo. "He's nothing. Wala lang siya. Hindi ko kilala. And he's definitely not my ex!"

Marife snorted. "Ang damot mo. Ang damot-damot mo, Vanity. Halatang kilala niyo yung isa't isa tapos sasabihin mong hindi mo kilala?!"

"E, what's with the too-tight-too-tight na pinagsasabi nun?!" nanlalaking matang tanong ni Koven.

"Tapos ikaw 'tong wag mong pakinggan yung boss mong kahit kailan ay hindi nakinig sakin?! Parang scene ng mag-ex, ah oh," iling-iling na dagdag ni Marife.

"Parang hindi ako naniniwala na hindi mo kilala! May kutob akong naging boyfriend mo!"

"Ang mas nakakagulat pa, walang bayad yung rent at service! Pa-main character ka, beh! Binigyan mo pa rin ng bayad! Kung ako yun, di ko talaga ibibigay yung five thousand bill!"

"Hindi lulusot palusot mong di mo kilala, ulul."

"Sabihin mo na kasi! Ikaw, ang dami-dami mo nang nililihim samin! Parang wala kaming karapatan na malaman. Di ba kami kaibigan?"

"Gaano ba ka-traumatizing yang past mo at ayaw na ayaw mong i-bring up?" tanong ni Marife sa malumanay na boses.

Bumuntonghininga ako at napapikit. Ilang segundo nang imulat ko ang mata at sinalubong ang naghihintay nilang tingin sa akin. I placed my both hands on the table saka ko pinagsiklop. I secretly turned my head both sides to check kung walang masyadong tao na malapit sa amin.

"Okay. . sasabihin ko na."

And I started.

The whole time ay puro tango lang sila sa akin habang nakikinig at nginunguya ang pagkain. My make up was washed out dahil sa patuloy na pagbuhos ng luha ko. Dinaluhan ako ng dalawa pagtapos. They hugged me for a minute habang naiiyak na rin.

Nang mahimasmasan ako ay inubos na namin ang pagkain na kanina pa namin hindi maubos-ubos. They told me that my past was really intriguing. They can feel in the first place that I was hiding some setbacks kaya lang ay alam din nila hindi ganun kadali na pagtakpan ang pagiging emosyonal ko nung nasa rage home kami.

"I heard that this Kirk's the engineer na nagtake ng project sa bridge," paninimula ni Koven.

Dahan-dahan kong inangat ang tingin sa kanila. "H—Ha?"

Napahampas nang mahina sa mesa si Marife. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko, eh! Feeling ko talaga tinanggap niya iyan para may rason kung bakit siya nandito! Pero ang totoo gusto ka niya makita!"

"I highly agree!" Koven nodded.

"Hindi niya alam na nandito ako. I told my friends to not tell him," I shot back, uminom ng tubig at umikot ang mata. "I trust them."

"What if wala nga nagsabi pero hinanap ka?" nakataas na kilay na tanong ni Koven.

"It's possible," sang-ayon naman ni Marife.

I let out a laugh. "Paano niya naman gagawin yun?"

"Because he still likes you —he still loves you!"

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon