"Hindi ka maniniwala, Vanity!" pangunguna ni Milan.
Sinalubong ako ng maingay na usapan nila Milan at Herin habang ako ay naglalakad papunta sa seat ko. Tinapunan ko ng tingin ang pwesto nila Janella at Nolan at napairap ako.
Nakahilig ang ulo ni Janella sa balikat ni Nolan habang nakapikit ang mata. Nolan gave me a glance when I saw them in that position. I just looked away when he saw me watching them.
Nagkunwari akong hindi nasaktan.
Kahit papaano ay mahal ko pa rin naman si Nolan. It's hard to forget the person that has been part of your heart. But when it gets toxic, you must let them go. Kasi hindi na magwowork ang relationship kung nasa tao na ang ka-toxic-an.
But we built plans for our future. Lahat nakaplano. Kung anong taon, dapat meron na kami nito. Sa ganitong taon, dapat meron na kaming trabaho. Dapat may separate savings kami para magpatayo ng bahay.
But all that, just popped like a bubble.
Lahat nga ng pictures niya sa phone ko ay pinagbubura ko na. Unti-unti nagiging pangit na sita sa paningin ko. Lalo na kapag naaalala kong niloko niya ako. Mas masahol pa siya sa pangit.
"May nangyaring naganap na hindi mo paniniwalaan!" ani Herin.
"Ano?" tanong ko sa kanilang dalawa, binaba ko ang bag sa desk ko.
"Nakita namin si Kirk kahapon! Gaga ka kasi nasaan ka ba? Di ka rin nagchat sa amin o sumagot ng tawag."
"Wala lang, gusto ko magdrama mag-isa. Sorry kung nag-alala kayo," mahinang usal ko, hindi pinansin ang nanunudyo nilang tingin.
Wala ako sa kondisyon para pag-usapan ang nangyari kahapon. Inaantay ko lang ang paliwanag nila kung bakit kasama nila sila Nolan at Janella kahapon.
"Tinanong nga namin kung nasaan ka eh. Biruin mo yun, di ka kilala!" sumbong ni Milan. "Sinabi na nga ni Herin yung bad adjectives sayo pero di ka pa rin kilala!"
"Hmm," tanging sagot ko lang.
Pinakita kong wala akong gana makipagusap sa kanilang dalawa kasi gusto kong sabihin nila na kasama nila si Nolan at Janella. Pero parang wala yata silang balak na sabihin sa akin kung bakit nila bitbit ang dalawa. I'm waiting for the explanation the whole conversation but they didn't even mention about it.
Nakaramdam ako ng panunuyot ng lalamunan kaya't hinugot ko ang tubig ko sa bag at lumagok.
"Alam mo ba, may nasagap kami," intriga ni Herin. "Anak pala ng pastor si Kirk at guess what? Tita niya si Ma'am Angeles!"
Muntikan ko nang ibuga ang tubig sa bibig ko nang marinig ko yun.
Pastor? Anak ng pastor si Kirk?! So. . yung. . . oh my, God. Naalala kong nakapagmura ako sa harapan ng parents n'ya. Hindi na lang talaga ako magugulat kung bakit ganun ang naging reaction nila nung nakapagmura ako.
"Ayos ka lang, Vanny?" marahang pinalo-palo ni Milan ang likod ko.
"Bakit parang mutla ka d'yan?" tanong sa akin ni Herin.
Umiling ako at umubo saka binalik ang tumbler ko sa bag. "Wala, may naalala lang," malamig na wika ko.
"Bakit parang di mo kami bati, Vanity?" naiiyak na tanong ni Milan.
"May ginawa ba kaming mali sayo?" tanong pa ni Herin.
Parehas silang humila ng upuan sa tapat ko at umupo dun, hinarap ako na parang naghihintay sa sagot ko.
Umikot lang ang mata ko sa ginawa nilang dalawa at hindi sila pinansin.
Akala ko ba ayaw nila kay Nolan at mas lalo na kay Janella. But why did they let them na sumama sa kanila kahapon? Nabobother ba ang dalawa na baka nawala na ako? E, ano namang pakialam ng dalawa, di ba?
BINABASA MO ANG
Twist of the Wind (Batchmate Series #1)
RomantikBatchmate Series 1 Vanity & Kirk [under revision] They called Vanity brainy, appealing, and honorable. Yet, despite these flattering remarks, Vanity didn't feel perfect at all. She sensed a void in her heart that nothing could fill. This cynicism ma...