Chapter 35

349 20 0
                                    

Narinig ko pa lang ang halos hindi nagbago niyang boses ay napaikot na ang mata ko. Nasa kabilang upuan si Janella na mas lalong nagpakulo ng ulo ko. She's only wearing a white sleeve and fitted skirt, naka-tuck in ang damit sa itaas sa loob ng palda.

She's hot.

"We're not expecting you here," Janella retorted as she sipped on her wine. "Buti namukhaan pa rin kita."

"Ako rin hindi ko kayo inexpect na makita," I replied with a stern voice. "At mas lalong hindi ko kayo nakilala, ang bait niyo yata?"

Napatawa mang maikli si Peachy, umiling ito at uminom sa wine niya. "Savage pa rin talaga."

Tumuro si Janella sa katabing upuan ni Peachy. It's the occupied seat. "Upo ka dun, Vanity."

Bahagyang kumunot ang noo ko sa naturan nya. When I felt there's nothing wrong with it, I did what she said. Pinag-cross ko pa ang hita. Wala namang kung ano sa inuupuan ko, baka lang kasi inaatake na ako.

Why are they acting like we're close before?!

Janella let out a chuckle. "Wag kang tumingin sa akin na parang may ginawa akong ka-tripan, in-offer-an lang kita ng seat."

"Wag mong pinagdududuhan ang buntis!" Peachy exclaimed before grinning.

"Ha?!" gulat kong tanong. "You're pregnant?"

Janella nodded, playing the glass of wine in her hand. "Oo."

Don't say na si Nolan ang ama n'yan? And that guy mentioned he has a relationship with Peachy right now. Hindi ba sila na-a-awkwardan sa set up na ganito? Janella, Peachy and Nolan in the same frame?

"Anak nila ni Deo 'yan if you're thinking about Nolan. Well, he's my boyfriend now." dugtong ni Peachy.

"Wait, Deo? Who's that?"

"Yung tropa ni Donovan noon. Amadeo Benedict Velasco," Peachy added.

I just sent them a puzzle look. Hindi ko naman kasi kilala yun. Dalawang reasons lang kung bakit hindi ko kilala. Una, sa ibang department yun galing. I only entertain people who's included in COE. Pangalawa ay ilap ito na gaya ko.

"Ibang department kasi yun," Janella retorted. Ngumiti ito nang maliit sa akin. "Di kilala ni Vanity yan, wala nga yan pakialam sa mga nanliligaw sa kanya dati."

"Binalak kang ligawan nun!"

I snorted. "I don't know him. Si Cholo lang ang nakilala ko."

"Syempre kulit nang kulit eh. Si Deo chinachat ka lang, hindi mo pa nga yata sineseen," ani Peachy.

"Low-key lang kasi si Deo," Janella uttered with a dreamy sigh.

Peachy and I just grimaced to her.

At some point, I kinda like the atmosphere. Kung dati ay ayaw na ayaw ko sa kanila pero ngayon. . . maturity really put a peace between us, it ease my anger and wiped away the past.

"Vanity, nakakamiss naman yung buhok mong mahaba, wala na akong masasabunutan," Peachy chuckled. "Joke lang."

"Tanga, nagpagupit na kasi dahil sa ginawa mo," Janella chuckled.

Sinamaan lang siya ng tingin ng kaibigan bago batuhin ng basang napkin sa table. Natawa lang ako na pinanood sila.

"By the way, kamusta ang pagiging teacher?" I asked them while smiling.

Sabay silang napabaling sa akin.

Janella just shook her head. "Unfortunately, hindi ako teacher, Vanity. I'm Psychologist."

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon