Chapter 45

541 17 0
                                    

Kinuha niya ang kamay ko na nakakapit sa balikat niya at pinatakan ng halik ang palasinsingan kong daliri. I felt the sudden heat on my cheeks as he caught my teary eyes.

Sa paraang iyong pagkakasabi at pagkakatingin niya ay hindi ko maiwasan ang pagkurba ng labi. It melted the weak spot of me. He's building another home in my heart that had been crushed for a very long time. But this time, the house he'll build in my heart will last forever, and he's sure about it.

I know. Kirk won't let me wreck it.

Hindi niya hahayaang masira ang bahay na tinayo niya sa puso ko, bagkus, mas patitibayin niya pa ito.

Since then, I never his doubt love for me. Nang ligawan niya ako ulit, hindi ligaw na ako lang ang talaga yun, pero kasama sila Nanay Loyda, Jona at kambal. My family supports my feelings towards Kirk. Hindi naman na sila tumutol sa amin.

I met Pastor Dave as well, nang magbakasyon sa rito sa Pilipinas, nagkapatawaran ang mag-ama. But his father should continue to preach abroad. Doon na raw kasi talaga ito nagtuturo. And eventually, I heard from them that the old church was already gone. Napatayuan na pala ng malaking department sa mismong kinatatayuan ng sambahan before.

Sising-sisi ang ama dahil sa pagbenta ng lupa but Kirk forgave him. Natakot kasi si Pastor na sabihin sa anak nung una pa lang na may balak itong ipagbili ang lupa dahil ayaw talaga ni Kirk.

Ilang buwan nang sagutin ko si Kirk kasabay nang tuluyan niyang pagka-recover galing coma. His dad paid the hospital bill na paraang yun ang paraan ng paghingi ng tawad niya sa anak. Kirk forgave his father. No doubt. That man really living in his soft spot.

I'm living my life with Kirk and people around me.

"Ang manipis na kolorete ngayon ay kumakapal na. Ang kulay rosas na pangkulay sa labi, ngayon pumupula na. Saan ka pa?" pagpaparinig ni Jona sa akin habang kausap si Milan sa video call.

"Oh, bakit posturang-postura ang mukha nyan?!" Milan asked, nilalapit ang mukha sa camera para makita ang detalye ng suot ko.

"Ayon, lalandi," sagot ni Jona habang naglalagay ng nail polish sa kamay niya.

Zech's besides her, tinuturuan ang isa na maglagay ng nail polish sa kuko. "Tita, anong next step?" she asked, watching Jona applying the red one.

"Sunod na step dapat may jowa ka," pagbibiro nito.

Zech just pouted. "Ala, ta. May gf na gusto ko," she chuckled.

Milan groaned realizing what I'm wearing. "Hay nako, kung ako dyan Tita seseksihan ko pa lalo yung damit. Medyo tabingi pa tayo eh. Blouse na puti at jeans, ampota. Ambaduy!" Milan yelled.

Hindi ko maiwasan ang hindi mapairap habang tinititigan ang sarili sa salamin.

"Effortlessly beautiful naman," I mumbled while staring at myself in front of the mirror.

"Hayaan mo na yan, Jona. Malaki na yan. Manahimik na kayo nyan ni Mildred," saway ni Nanay Loyda.

"Nay Loyda naman! Milan na lang, ampota Mildred!" angal ng isa.

Buti pa si Nanay Loyda walang napupuna sa get up ko ngayon, eh.

Bumaling sa akin ang matanda, saglit na tumigil sa paghihiwa ng sibuyas. "Pero alam mo, Vanity, anak. Oo nga, medyo seksihan mo yung damit mo. Kasama mo pa naman si Kirk mamaya," she commented.

I couldn't help but to grimace. "Sa simbahan po kami ngayon," I informed. "Di kami masyado maggagala ni Kirk."

"Ang hina mo, Vanity. Paano maaakit sayo si Kirk nyan?! Ang baduy talaga ng suot mo!" giit pa ni Milan sa video call habang nagtitipa ng kung ano sa keyboard niya.

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon