Chapter 21

384 20 1
                                    

Mabigat man ang loob ko, pumunta ako ng church para makita si Kirk. This is the day he'll leave. Naka-impake na ang damit niya sa maliit na backpack. I helped him pack some of his necessities before I gave the bag to him.

Nakapanood lang ako kina Isagani na tinulungan siyang ipasok ang gamit sa van. When I heard his Tito Peter will come with him, medyo nahupa ang pag-aalala ko. May kasama naman pala siyang pumunta doon.

"Vanity," tawag niya sa akin. Pinatong niya ang hoodie niya sa exposed kong balikat at pinihit ako paharap sa kanya. "I-I have to leave, but doesn't mean hindi ako babalik," malambing nitong saad.

Tumango ako at pumilit ng ngiti. "Tatlong linggo lang naman, eh. Mabilis ang panahon, uuwi ka rin naman agad."

"Bibili ako pasalubong sa'yo. Ano'ng gusto mo?"

Ngumuso ako. "Wala, ikaw lang. Makauwi ka lang nang ligtas, masaya na ako."

He smiled and pulled me for a hug. He swayed our bodies while humming, sinisinghot din ang buhok kong nakababa.

"Baka naman umaligid si Cholo sa'yo habang wala ako," medyo nag-aalala niyang sambit. "But it's okay, babawi naman ako. Papakita kong mas deserve mo ako kesa sa kanya."

Hindi ko maiwasan ang hindi mapatawa. "Hindi nanliligaw yung tao, nananahimik na nga eh." I tapped his shoulder. "Sige na, umalis ka na. Inaantay ka na ng tito mo."

"Matt, wag mo kalimutan yung bible, ha?" ani Pastora na kalalabas lang ng bahay.

Naghabilin ng paalala ang dalawa bago hinalikan ng ina ang pisngi ni Kirk. Nakapatong ang braso ni Pastora sa balikat ko habang pinapanood naming paalis na ang van.

"Mag-ingat kayo, anak. May babalikan ka pa, hindi lang ako," pastora chuckled.

Napaiwas ako ng tingin nang bigyan ako nito ng makahulugang tingin.

Napangiti na lang ako habang tinatanaw ang van palayo. I imagine him still staring at me from inside.

"Tara na sa loob, Vanny. Halika't magpahinga ka."

Tumango ako at sumama sa kanya sa loob. Doon ay tinuruan namin ang mga bata sa bible study. Pagkatapos nun ay sabay kaming naghapunan ni pastora kasama ang mga youth members.

I spent all day with them.

Pastora knows what happening between me and Kirk pero sinabihan niya si Kirk na kung mahal talaga ako ng anak ay ipupursigi ako nito. But he has to fulfill God's task for him. Ayun ang pagpunta niya sa probinsya para sa ministry.

"May mahalaga siyang tungkulin doon, nararamdaman ko. Kaya lang, medyo tatagal nga lang siya. Halos isang buwan din. Pero I have trust in the Almighty. Uuwi rin sila agad," ani Pastora sa akin.

Napangiti na lang ako nang tinanaw ko ang church. And the wind blows in my face.

"Whatever Your plans for me and Kirk, alam kong may kabuluhan. There is something in it."

Hiniling ko sa Diyos na ingatan siya Nito sa byahe. Wala na akong ibang pinanalangin kundi ang kaligtasan ni Kirk.

He marked his words. Tumawag nga ito sa akin at nagchat nang buksan ko ang phone. He kept sending me the view and places he passed through. Nung nag-vidcall naman, kumakain siya ng pancit na pinabaon ni Pastora.

"Miss ko na kumain sa kwarto mo," aniya, nakanguso. "By the way ang sarap nung pizza, alam mo bang di ko binigyan si Tito Peter," nakangising k'wento nito saka tinapat ang camera sa tito niyang nakasimagot sa camera.

"Madamot ka, Kirk. Madamot ka, di na kita kilala simula nung araw na 'yon," tampong saad nito. Ngumiti rin ito agad nang makita ako sa call.

His Tito Peter is twenty-four already. Hindi naman nagkakalayo ang edad namin dito kaya ka-vibes pa namin.

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon