A ray sunlight made my eyes open the next morning. Nasa tabi ko si Milan nang magising, abala sa kakatututok niya sa laptop. She told me she'll having a busy day today dahil may ipapasa itong manuscript sa editor. I didn't get that thought. Pero isa lang ang pumasok sa utak ko.
Mukha itong natigilan sa sinabi sa akin. Saglit na tumigil siya sa pagtitipa saka ngumiti sa akin nang maliit.
"May hindi ka sinasabi sakin," nagtatampo kong sambit.
"Secret dapat 'to eh," nakanguso niyang sambit. "Writer ako."
"I knew it. Ako na lang ba ang hindi nakakaalam n'yan?"
Umiling ito. "Hindi naman. Kayong dalawa pa lang ni Cholo. Ewan ko ba, nonsense kausap yun pagdating sa ganito. Nasanay lang talaga ako na magtanong-tanong sa kanya tungkol sa sinusulat ko. Kaso. ." she grimaced. "Ang corny ng mga suggestions. Halatang di nagbabasa ng romantic novels!"
I just chuckled and put down my coffee. Nagpaalam ako na maligo muna para mahimasmasan sa nagdaang gabi. I stared at myself in front of the mirror. Dumaan na naman sa isip ko kung paano niya ako halikan kagabi I bit my lower lip as I reminisced about what happened last night. When our lips touched. It was so passionate! Hindi yun yung halik na pang-teenager lang.
That night was special.
Pinulupot ko ang towel sa katawan ko afterwards I brushed my teeth. Pinupunasan ko ang kakahilamos ko lang na mukha nang makarinig ako ng ingay mula sa sala.
"Ang aga-aga kinukuha mo inis ko!" Milan frustratingly exclaimed.
"I'm just going to give it to her. Nanggigigil ka na agad, wala pa nga ako masyadong ginagawa."
"Oo, talagang wala kang ginagawa! Kailan ka ba may ginawang matino, Kirk?!"
"Just calm down, Milan. I'm not here for a fight," the calm voice uttered.
A loud grunted just escaped from Milan's mouth.
"Milan, ano'ng nangyayari d'yan?" tawag ko sa babae.
I found Kirk outside the door, may bitbit itong mainit na kape sa kamay. At sigurado akong sa Starbucks galing yun.
Bihis na bihis ang lalaki. Medyo basa pa ang itim na buhok nito. And his sexy push-back hair made me bite my lower lip. Ang suot naman nito na puting long-sleeve ay nakatupi hanggang siko showing his masculine arms. Bagay na bagay ang kulay itim niyang relo doon.
Ang linis linis niyang tignan. Ang bango-bango niya pang tingnan. Gusto ko siyang amoyin ulit.
Agad akong lumakad sa gawi nila habang nakakunot ang noo. "Anong problema nyong dalawa? Ang aga-aga."
"Ito kasi, eh gusto pumasok!" dinuro ni Milan si Kirk. "Ang kulit sinabing nasa cr ka eh! Let me check nang let me check! Akala yata nilayasan mo na naman."
"E bakit hindi mo pinapasok?"
Nawala ang galit sa mukha ni Milan at napalitan ng sorpresang ekspresyon. "Ano yun hahayaan kong i-check kung nandoon ka talaga sa cr?!"
My lips parted for an explanation. "N—No, I mean. ." pinamulahan ako ng mukha. "Ang ibig kong sabihin sana pinatuloy mo muna."
Shems, bakit parang may iba pang kahulugan yun?
Binaling ko ang tingin kay Kirk na ngayon ay nakatingin sa ibang direksyon.
"Kirk. ." I called.
I noticed how his ears turned red, pati ang maputi ang bagong shave nitong mukha ay namula. "G—Good morning, Vanity."
Inantay ko siyang balingan ako pero nasa ibang direksyon pa rin ang ulo niya. Namumula. Bahagyang napakunot ang noo ko.
"Goodmorning. Anong sadya mo rito?"
BINABASA MO ANG
Twist of the Wind (Batchmate Series #1)
RomanceBatchmate Series 1 Vanity & Kirk [under revision] They called Vanity brainy, appealing, and honorable. Yet, despite these flattering remarks, Vanity didn't feel perfect at all. She sensed a void in her heart that nothing could fill. This cynicism ma...