Chapter 9

513 22 0
                                    

Mabilis ang araw at dumating ang linggo. Hindi maganda ang gising ko ng umagang 'yun dahil sa labis na puyat ng sabado ng gabi, compiling all the reviewers I have to read para sa finals namin.

Umaasa rin sa reviewer ko ang mga kaibigan ko dahil magaling daw ako gumawa ng reviewer. May sample questions kasi sa dulo na kapag tapos basahin eh, required sagutan.

Marami akong hinighlight pero commonly mga highlighted worsa lang yun and phrases para mabilis nilang tandaan.

"Kapag hindi niyo sinagutan ang questions, hindi ko ichichika sa inyo mangyayari sa church," banta ko sa dalawa habang nilalantakan ang ice cream sa lamesa.

Milan groaned at me. "Paano kapag mababa ang scores ko sa mga questions na yan!"

"Ibig sabihin di mo naintindihan ni-review mo."

"Wag mo kasi i-chat si Saul habang nagrereview!" pabulong na ani Herin.

Milan raised her eyebrow. "Ows talaga ba? Sino nga dito yung nagchchat kay-"

Herin suddenly covered her mouth. "Hihirapan ko nga questions ko para ma-test natin utak mo, Milan."

I arched my eyebrow to that.

What was Milan trying to say?

Herin and I decided to create a reviewer in all major subjects. Ito rin ang nagsisilbing reviewer namin sa darating na qualifying exam.

Kung talaga na gaganapin man ito. . .

Hindi pa naman finalize ng campus director dahil hindi pa raw napipirmahan pero dapat ay maghanda na kami kung sakali.

Ayaw kong bumagsak. Pero confident naman ako na papasa ako. Mahal ko naman ang pagtuturo kahit mainitin ang ulo ko.

"First year pa lang tayo pero pinapatay na tayo ng qualifying exam na 'yan!" ani Milan, nakasubsob ang mukha sa mesa habang naiiyak.

"Wala pa naman sinabi! Di pa sure! Yung pinsan ko nga wala sila nun," sagot ni Herin sa kanya, hinihilot ang sintido.

"Pandemic babies sila, beh," sabat ni Kyle na dumaan sa likuran namin.

Mabilis na napaayod ng upo si Milan at nilingon ang ulo sa kanya. "Di pa naman sure, no, pres?"

Kyle just shrugged. "Narinig ko kasi di pa sigurado pero feeling ko tuloy, eh, gagawa na raw kasi ng question si Prof. Liam."

Tukoy niya sa major subject professor namin sa Purposive Communication.

Malalim akong bumuntonghininga nang makita ang dalawa kong tita sa sala ng umaga ng Sunday. They're wearing long white dresses above their knees.

Pormal na pormal ang mga suot nito.

"Kunin mo nga yung Marlboro sa bag ko, nasa kusina," ani Tita Lourdes nang kulbitin ang anak nito.

Inis na bumaling si Shone sa kanya. "Ma, sinabing wag ka na manigarilyo, ang kulit mo!"

"Ano'ng oras na lang, aalis na tayo," sabat ni Tito Carlo. "Wag ka na manigarilyo, ke-linggo-linggo."

Sumalubong ang kilay ni Tita Lourdes sa kanila. "Bakit parang ako pa ang pinapagalitan n'yo? Hindi naman kayo ang magkakasakit, ako yun. Akin na, di nga ako nakapanigarilyo kahapon!"

Agad na lumipat ang tingin sa akin ni Tita Lourdes. "Ikaw na nga lang, Vanity, kunin mo yung sigarilyo sa bag ko. Nasa labas na bulsa ha. Tsaka magbihis ka na nga! Parang wala kang balak magchurch ha."

I groaned and was about to not follow her pero pinanlakihan ako ng mata ng ginang. I just rolled my eyes in irritation saka yun binigay sa kanya.

See? Sila nga 'tong mga naglilingkod sa Diyos, sila pa ang may bisyo!

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon