Chapter 14

380 21 0
                                    

Throughout the ride, I was hugging Cholo's waist. He didn't flinch nor jolted. Instead, he placed my hands there by himself.

I closed my eyes as the wind blew on my face. Bumalik tuloy ang isip ko sa nangyari kanina.

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman ko nang makita ko yun dahil naghalo-halo ang nararamdaman ko. Dapat ba akong magalit? malungkot? madisappoint?

At ang mas angat sa lahat ng tanong na yun: Valid ba ang nararamdaman ko?

Pansin kong lumihis ng daan si Cholo sa isang eskinita kahit na alam naman niya ang mas malapit na daan sa lugar namin. Kung idederetso niya lang ay makakarating agad kami within fifteen minutes pero umabot kami ng halos bente minutos bago makauwi.

Pinatigil ko ang motor sa kanya hindi-kalayuan sa bahay. Tanaw ko mula rito ang mga bukas na ilaw sa sala namin. Doon naghihintay sila daddy at pastor but I'm not yet in the right mood to face them.

"Bakit mo pa nilibot yung daan? Diretsuhin mo lang makakarating din naman tayo rito agad."

Lumingon siya sa gilid para mas marinig ang sinasabi ko. He took off the helmet and sigh. "Para tumagal pagsasama nating dalawa."

"Sira," sagot ko sabay hinampas ko siya sa braso.

Tumawa lang siya saka bumaba sa motor. Iniling niya ang kanyang ulo para ibuhaghag ang buhok n'ya sabay suklay doon gamit ang kanyang mga daliri.

Bumaba ako sa motor niya at inayos ang palda ko.

"Vanity, sigurado ka bang ayos ka lang?" tanong niya sa akin nang may pag-aalala.

I heaved a sigh saka tinanggal ang helmet na suot ko. "Oo naman. Salamat, Cholo. . ." I uttered in a lower voice.

Unti-unti siyang ngumiti nang malaki sa akin saka hinawakan ang kamay ko. "Ayos ka na ba? Gusto mo ba'ng mag-stay muna ako rito?"

"Cholo, bakit gusto mo ako?" biglaang tanong ko sa kanya, tinitigan ko ang kumikinang niyang mata sa bigla kong tanong.

Tanging isang lamp post ang tanging tanglaw namin sa gitna ng madilim na gabi.

Mukhang alam niya nang itatanong ko yun dahil hindi na siya nagulat. Ang alam ko na lang ay mas hinigpitan niya ang hawak sa kanan kong kamay.

"Thank you for asking that, Vanity. Matagal ko nang gustong sagutin ang tanong na 'yan mula sa'yo pero parang ngayon mo lang yata na-realize na hindi ko pa nasasabi ang dahilan." then he chuckled.

Seryoso lang akong nakatingin sa kanya, naghihintay sa sasabihin.

He sighed and smiled. "Well, because you were the one that made me feel this way. Kapag nasa paligid ka parang hindi ako yung Cholo na kilala ng lahat. Para lang akong alipin mo na dapat ikaw ang sundin ko. Kapag kaharap kita, lumalambot ang puso ko."

I nodded, showing that I'm listening.

He bit his lower lip. " Vanity. . . I like how you made me feel this way that's why. . . hope this time, let me do this, let me court you. H'wag mo akong ipagtabuyan. I-I like you since the day one, the day I saw you reading under the mango tree. Kaso lang nung panahon na 'yon may mahal ka na pala. . " he smiled weakly.

I was stunned in a sudden revelation. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil ganun na pala ang feelings niya sa akin noon pa. Siguro kaya hindi siya makalapit sa akin ay dahil may boyfriend ako nung mga panahon na yon.

Ngunit agad akong nakabawi. "Uhm. . ayon pala."

Tumango siya sa akin, hindi pa rin nililihis ang tingin. With that, I meet his eyes again, nangungusap iyon na parang may pinapahiwatig sa akin. His face was getting closer when I noticed that , so I immediately made him stop.

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon