Chapter 26

378 21 0
                                    

Maaga ako nagising ng Sunday para tulungan si Nanay Loyda sa paglalaba. The twins are in their classmate's house, gumagawa raw ng project. Abala ako sa pagsasampay ng mga ni-dryer na damit nang may maalala ako. Bumalik ako sa loob ng kwarto at dinukot ang pera ko sa wallet.

This is my last five thousand. Five hundred na lang ang natira sa akin, okay na rin para pambili ng prizes ng mga bata. I preached word of God sa pinakamalapit na bakanteng lote sa bahay. Doon ko tinutuloy ang pag-share ng bible sa mga bata. Madali lang naman ang pagtuturo hindi katulad na kapag nasa campus talaga. Maraming preparation.

Kahit papaano hindi ko Siya kinaligtaan. Marami man nangyari sa akin, I realized that I shouldn't just give up. Educator ako, hindi uso sa akin ang sumuko.

Inabot ko kay Nay Loyda ang pera pero tinanggihan niyang kunin yun. Kumunot ang noo niya sa akin at umiwas ng tingin.

"H'wag kang mapilit, Vanity. Itago mo na lang 'yang pera mo. Mas kailangan mo 'yan," sambit nito habang nilalagay ang mga na-dry na damit sa timba.

I rolled my eyes at her and stomped my foot. "Sige na, Nay, kunin mo na. Ito naman parang di ako tinulungan!"

Umiling ito. "Hindi. Itabi mo yan para sa sarili mo. Kaya pa namin ni Zach ang magtinda sa palengke wag kang makulit dyan."

Ngumuso ako. "Pambawi ko lang naman 'to. "

"Kung ako sayo itatago ko yan para idagdag sa pambayad ko sa tuition." she chuckled. "Magthi-third year ka na next pasukan. Malapit ka na grumaduate. ." bumuntonghininga siya at nilagay ang isang kamay sa bewang. "Iiwan mo na kami pagtapos."

"Hindi ko kayo iiwan nang ganun lang. Hindi ko kayo iiwan agad. Si Nay Loyda talaga ang drama."

Bumuntonghininga ito kaya niyapos ko pampalubagloob. "Naging nanay pa rin kita. Nung nawala si mommy, ikaw umako ng responsibilidad." I smiled. "May dalawa naman akong mommy ngayon, ikaw tsaka si Jona."

She squinted her eyes at me. "Hindi ka naman minamaltrato nyang Jona na yan nung umalis ako, 'no?"

Hindi pa rin kasi makapaniwala si Nanay Loyda na ayos na kami ni Jona. Nang bago kasi ito umalis ay nalaman nito na sinigaw-sigawan ako ng babae. Well, that was my fault. Tinapon ko kasi yung mga cosmetics niya sa basurahan kaya ayun, galit na galit si Jona sa akin.

"Hindi, ako naman may kasalanan nun kaya nagalit si Jona sa akin dati. Alam mo naman kung paano ako ka-maldita dati." I giggled as I spread out the shirt saka yun sinimulan isampay sa hanger.

"Pero tingnan mo naman ngayon. . hindi ako makapaniwalang malayo na ang narating mo," she smiled warmly. "Proud ako sayo, at sigurado akong proud na proud si Ma'am Valerie sa'yo. Matalino ka talagang bata. Kahit nung bata ka pa, eh madalas akong nakakatanggap ng tawag sa telepono. Akala ko nakikipag-away ka, eh kaya naman pala ako tinawagan para umattend ng recognition."

Parehas kaming natawa ng ginang sa kwento nito.

Kahit ganoon ang nangyari, kahit di ako pumasa ng qualifying exam sa dating university, pinanghahawakan ko na lang talaga ang mga tagumpay ko noon. Ayun ang naghila sa akin para bumangon.

Alam din ni Nanay Loyda ang nangyari sa akin na hindi ako na-qualified para ipagpatuloy ang second year sa dating university. Pero yung salita niyang, "Hindi mo kawalanan yun, kawalan nila 'yon" ang nagtulak pa sa akin lalo para ituloy ko ang college.

Sa totoo lang, kung ikaw talaga ang makatanggap ng gano'ng resulta, na hindi ka qualified sa mahal mong kurso, mawawalan ka ng gana na ipagpatuloy pa ito. But in my case, ito ang naging rason para mas lalo kong ipakita na qualified ako. Gaya ng ng sabi ni Cholo: it's a mere paper, it can't decide our destination.

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon