Chapter 24

371 21 0
                                    

My eyes are tired of getting blurry all the time by tears streaming down my cheeks. I'm covering my mouth as I walk down the plaza to have some time alone. Umupo ako saglit sa bakanteng bench na walang tao.

I left Milan and Zyra at the university because I can't swallow all the words coming out from Bridgette. The two aren't aware I left. Pakiramdam ko, ang pangalawa kong tahanan ay ang nagbibigay ng hapdi sa puso ko. 

I was in the middle of weeping when a group of dancers stopped in front of me. Nilapag nila ang bluetooth speaker sa sahig upang makapag-umpisa.

“Dito na lang, pre, malilim dito,” sambit ng lalaking ginawang pamaypay ang cap niya dahil sa init.

“Stretching muna!” the girl clapped her hands three times.

“Formation na, guys! From the top!”

I swallowed hard and wiped my tears with my hands. Tumayo ako upang lumayo sa kanila. Hindi man lang ako napansin na umiiyak.

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko dahil pakiramdam ko ay nakasagabal pa ako sa kanila. 

My throat get sore. That's why I decided to stop by the convenience store that is meters away from me. Bumili ako roon ng maiinom at tumambay saglit.

My head is floating at a moment, sitting on the single chair when I heard the familiar voices, chit-chatting.

“I—I don't know. . it's useless! I wasn't aware, Gan!”

“Yes, dude. I do believe in you. You just have to reach her out. Ang lala ng nangyayari sa buhay niya.”

Lumingon ako sa likod, sa hindi inaasahan ay natanaw ko ang lalaking nawala ng ilang buwan sa buhay ko kasama ang kaibigan. They halted in walking slowly when they stopped in the aisle, facing each other.

Kirk is holding a shopping bag in his left hand while the other is on his waist.

Biglang tumulo ang luha sa mga mata ko. 

I heard Kirk speak again but it was a few words I heard because I decided to stand up slowly without them noticing. 

Malapit na ako sa glass door nang may taong bumukas nun mula sa labas. My head bumped on the door that made me yelp in pain. 

“Nako, miss, sorry ayos ka lang ba?” the girl asked, with a concerned look she spared at me.

Mabilis akong lumingon sa likuran ko at huli na ang lahat nang mamataan ako ni Isagani. I gulped and immediately walked away.

“Vanity!” Gan called out.

That made Kirk turn his head towards my direction. Nasilayan ko ang pagdaan ng gulat sa kanyang mata bago ako lakad-takbo na umalis. 

“Vanity!” matiyagang pagtawag ni Kirk mula sa aking likod, tumatakbo na rin. 

I ran as fast as I could until I stopped in a pedestrian lane. Lumingon ako kay Kirk sa aking likuran at halos maabutan niya ako. Pinilit ko ang sarili na tumakbo bagamat rumaragasa ang jeep na papunta sa aking gawi.

“Vanity!” Kirk screamed distanced away from me.

Malayo man siya ay pakiramdam ko takot ang kanyang boses.

Pumreno ang jeep sa aking gawi ngunit huli na nang tumama ang katawan ko rito. Tumalsik ang katawan ko sa kalsada na nagdulot ng pagbagsak ko roon. I groaned in pain but my head was thinking about Kirk who was running towards me.

Ayaw ko siyang lumapit sa akin.

Masakit man ang ulo ay maingat kong binuhat ang sarili upang makatayo. Pakiramdam ko ay babagsak ako dahil sa pagsakit ng ulo ko. Ang paligid ko ay umiikot na rin.

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon