Chapter 17

402 24 0
                                    

"Vanity, yung sundo mo!" halos mapunit ang ngiti ni Milan sa pagpasok ng library.

Hindi na ako nasurpresa nang sumulpot si Kirk mula sa pintuan ng library, hinahanap ang pares na mata kong nakatanaw sa kanya. Nang magtama ang paningin namin ay mas lalong lumawak ang ngiti namin sa isa't isa.

"Logbook muna bago layas," striktong tumuro si Kyle sa logbook dahil muntikan ko nang makalimutan kong makapagsulat doon.

Kirk immediately approached me with a glint in his eyes. "Ako na po sa bag po," he sounded like a kid.

He's holding a loot box of donuts from his right hand while the other one is reaching out for my bag.

I let him grab my shoulder bag before I told Milan and Herin I'll be going out with Kirk. My cheeks heated up when my classmates started teasing us.

"Tanginang mga running cum laude to una pa yatang magkakajowa!" pagpaparinig ni Herin sa amin ni Kirk na pinanlakihan ko lang ng mata.

"Sanaol multitasker!" Kyle added.

Janella even managed to joke. "Landing-landi slash aral na aral!"

"Palibhasa yung isa dyan di kaya magmultitask, landi lang nang landi," pagpaparinig ni Herin.

Mabilis naman silang pinagalitan ng librarian dahil sa kaingayan na pati ang ibang students ay nagagambala.

They already knew what's happening between us because they were the ones I told to. They squealed like an excited seal when I blubbered about our confession.

Yes. We confessed. At parang lumulutang ang puso ko sa tuwing inaalala ko ang sinabi niya sa akin nung araw na iyon.

"Huwag mong ipahalata na kinikilig ka, Van. . . I'm struggling with the urge to hug you."

Well, he was right!

My face looked like a ripe tomato when he confessed.

"Parang hindi lang ikaw ang nanghina, ah? . ." he bit his lower lip to suppress a wide smile. "Sa ganda mo ba namang yan hindi pa ba ako manghihina?"

Nakakainis, ang galing niya akong pakiligin. Siguro uhaw na uhaw si Bridgette sa mga banat ng lalaking 'to kaya hindi maiwan-iwan.

Nagulat ako nang tapik-tapikin niya ang kanyang tuhod. "Nanghihina tuhod ko sa sobrang ganda mo."

Putangina lang! Walang araw na hindi niya sinasabi na maganda ako! At dapat lang!

Hindi pa naman siya pormal na nanliligaw pero hindi niya ako nakakalimutan dalhan ng pagkain sa classroom. He sent cute snacks for me in a small lunch box. At ang mas nakakabihag ng puso ay sarili niyang luto yun!

He also sent me cute writing pens, stickers, notepads. . . anything related to school supplies.

He even made a small hand-made printed book for me with bible verses on each page. Sa sobrang tuwa ko ay halos mapayakap ako sa kanya.

We're not sitting down under the mango tree while our hands are clasped. Abala siya sa pagbabasa ng libro na dinaluhan ko rin basahin habang tahimik na kumakain ng donuts na bigay niya.

I heard his breathing gets heavy. "How incredibly fortunate am I to be blessed by the Lord with a woman of heavenly beauty?"

My eyes immediately meet his longing eyes, struggling with the urge to pull me for a hug. Nararamdaman ko ang paghigpit ng kamay niyang nakahawak sa sa akin. Dinala ko yun sa aking labi at hinalikan.

I smiled when I saw him blushed.

"Ikaw ang reyna ko, bakit mo ginagawa sakin yan?" he chuckled.

I gasped when he landed my knuckles on his lips and kissed it gently. I felt my face heated up with that gesture of his. I don't know what I would say next.

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon