Chapter 4

554 30 11
                                    

The wind blows as I slide up the sliding window in my room. Humalik sa mukha ko ang malamig na hangin dahilan upang banayad na napaangat ang ilang hibla ng buhok ko.

I smiled.

Sandali kong binulong ang pasasalamat ko sa hangin dahil kahit papaano ay pinagaan niya ang mabigat kong puso.

Nasa ganon akong posisyon nang tanawin ko ang buwan sa langit.

The moon is glinting and the stars are sparkling. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko sila.

Naaalala ko kasi si mommy.

Madalas kasi ako magising ng hating-gabi ng bata ako, naaalimpungatan tapos dadaluhan ako ni mommy kapag nagigising ako. Tatapik-tapikin niya yung hita ko habang kumakanta hanggang sa makatulog.

Bumalik ang diwa ko. I sat back on my chair and gave my attention to my desktop. I have to focus on studying.
Kailangan kong mag-aral para ma-maintain ko ang grades na 1.

Hindi naman sinasabi ni daddy na require na i-maintain ko ang grades ko, I just told myself I have to because I put too much effort in this course. Bukod kasi sa ayaw ko ma-disapoint  mga relatives ko, ayaw ko na ma-disappoint ko ang sarili ko.

At bawal sa education ang may dos. Hindi naman bagsak ang 2 na grado pero dahil priority ng campus namin ang educators, kailangan lahat i-uno. Pangit daw kasi tignan kung may mga dos, sabi ng dean namin.

Ang sabi nga ni Tita Lourdes, baka naman magka-dos pa ako e, madali na lang naman daw mag-educ. I thought that way before. I thought it's only a piece of cake pero nang tumungtong ako sa course na 'to, mas masahol pa pala nung senior high. Kaya naman galit na galit ako sa mga nagmamaliit sa mga kumuha ng educ program.

Even IT students, madalas makarinig na IT lang naman daw. Pindot-pindot lang sa computer.

People's impression towards underrated courses is turning to underestimation.

I shake my head in disbelief.

Napatingin ako sa phone ko na tumunog. I immediately reached for it  pressed the notification na nagpop-up lang.

Cholo Villamor sent you a friend request.

Tumaas bahagya ang kilay ko nang mabasa ang panibagong nag-fr sakin.

I remembered him immediately. Madalas ma-mention nila Milan sa akin yung Cholo, matunog din kasi ang pangalan nito sa campus. Captain daw ng basketball. Magaling. Pogi. Sikat. Lahat ng magagandang adjectives naririnig ko pero hindi ko naman iniintindi.

But I don't get the point na why they are being obsessed with Cholo. Madalas din itong banggitin ng part-time instructor ko sa P.E. Balita ko buwan-buwan yun may inaangkas na babae sa motor.

Mabilis akong hinila ng kuryusidad. I scrolled down through his wall. Puro about basketball lang naman nandun. May mga sharedpost din about NBA. Puro sports pero mas into basketball talaga siya.

Kumunot ang noo ko nang mabasa ang pangalan ni Herin at Milan sa comments. Feeling close tong dalawang to talaga. Minsan sa kakapalan ng mukha ng dalawang inggratang to gusto ko na lang magpalamon sa lupa.

Pero swerte pa rin ako dahil may kaibigan akong tulad nila. Mutual friends din pala namin si Milan at Herin. Di na talaga ako magtataka kung bakit may mga balita agad to sa buhay ni Cholo.

Agad kong binalikan ang profile picture ni Cholo. Siya lang ang nasa photo, nakahawak sa bola at nakasuot ng varsity. Background niya yung court ng school tapos malaki ang ngiti niya.

I was about to press the back button kaso nahagip ng mata ko ang isa niyang recent post.

Cholo Villamor

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon