Chapter 7

553 26 0
                                    

It's lunch time when I was diving in the ocean of people in the crowd to bump on him but neither his silhouette nor shadow had shown.

Bakit kasi may pa-walk-out-walk-out pa siyang nalalaman? Di ko na tuloy alam kung saan ko siya pwedeng makita.Ano ba kasing problema niya? Ang oa mag-react, parang picture lang naman yun ni Cholo tapos nag-walk out agad.

It crossed in my mind na pwede naman siyang puntahan sa department niya ang kaso. .

I didn't try to passed by their department o puntahan siya sa room niya dahil sa isiping baka maisipan ng malisya. Sa kalagayan ko, dapat akong maging maingat at mas lalo na siya dahil baka masira ang pagiging relihiyoso niyang tao.

Good thing ay humupa na ang issue about sa amin ni Kirk. Medyo nakalma naman ang isip ko. But to think na may bagong issue na naman about me and Cholo, I wanted to burn his soul so I could get my vengeance.

Ang lakas makakuha ng atensyon ng lalaking yun. Ayaw na ayaw ko pa naman ang na-i-issue, unless na gusto ko rin naman ng taong yun sa akin.

"Tingin mo mag-e-end game si Cholo at Vanity?"

"Feeling ko lang oo. Mahilig si Cholo sa mga katulad ni Vanity na hindi easy-to-get. Mas lalo siyang ma-i-inspire i-pursue nararamdaman kay Vanity."

"Sanaol lang talaga no."

"Ang ganda-ganda talaga niya. Her beauty's so feminine. Alam mo yun? Pormal ang suotan pero halata yung hubog ng katawan? Ang ganda rin ng mahaba niyang buhok, straight na straight. God, I hope I could also possess her beauty!"

Bulungan ng katapat naming table habang nasa amin ang baling ng kanilang ulo. Pero pansin ko lang nang tapunan ko sila ng tingin ay ngumiti sila sa akin, ngunit hindi ko sila pinansin.

"Ano ba yan, pinag-uusapan na naman nila ako," maarteng sambit ni Herin.

Natawa na lang kami ni Milan sa biro niya.

"Malapit na valentines, ah. Paano na kaya akong diyosa na walang ka-date?" bumuntonghininga si Milan na animo'y pagod na pagod na nakapangalumbaba sa table bago sumubo ng ice cream sa ice cream cup niya.

Umikot ang mata ni Herin. "Ayain mo si Saul, baka naman libre pa, wala pa naman yun na yayaya no? Ilap naman kasi sa babae eh. Shotain mo na kaya."

Milan grunted. "Hindi nga kaya ng powers! Matagal ko na kayang nilandi pero walang effect. Ss ko chat namin, pakita ko sayo mamaya."

"Ano bang pinaggagawa mo?"

"Wala, nagrereply lang ako sa mga myday niya."

"Tigilan mo nga yan, mali naman strategy mo. Sa paglandi dapat marami kang alternative ways para mapansin ka ng lalaki mo!" payo ni Herin na akala mo'y expert sa ganung bagay.

Umiling lang ako habang nakapanood sa kanila.

"Bakit, ikaw nakakuha ka na ba? May date pa kasi ng paganto-ganto! Bakit ba may February fourtheen? Mamatay sanang walang asawa yung nagpauso ng valentine's na yan!" naiiyak na sambit ni Milan.

"Bakit? Required bang may ka-date ka sa February fourteen?" taas na kilay kong tanong. "Kaya niyo naman mabuhay nang walang ka-date."

Milan fixed herself, sitting straight and she heard something unbelievable. "Wow, sa'yo pa nanggaling ha!"

"Gaga ka, di mo kasi feel ng walang admirer. Akala mo madali lang!" Herin spat jokingly.

"H'wag kang gumaya kay Herin na parang tangang hayok sa lalaki!" biro ni Milan sabay tawa.

I snorted. "Wag nyo na isipin. Ganda lang to, sorry, ha," medyo mahangin kong saad sa kanilang dalawa.

They just rolled their eyes.

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon