Chapter 15

402 21 0
                                    

"English, makinig kayo. Masyado na tayong late para rito. Ngayong araw ay i-dedestino ko kayo sa Peril National High School and you'll be teaching your personal student there," the stern voice of our prof. in NSTP echoed in our room. "Since I already told you to prepare your learning materials, please use them as a guide. And I'll remind you again, be on time."

Number one kasi kami sa maraming nale-late. Halos kalahati yata ng klase namin ay working-students kaya nahihirapan talaga sila i-catch up ang oras ng klase.

"Ma'am, paano po kapag naiwan yung materials? Kasi po sabi niyo di niyo alam yung pinakang-date ng pagtuturo," Jessica asked with a little tone of voice.

Nagbuntong-hininga si ma'am at nakapamewang. "Olivar, nakikinig ka ba? That's why I told you to prepare it."

"Tangina naman, oh! ano yan huhulaan kung anong araw yung mismong pagtuturo?" nanggigigil na bulong sakin ni Herin. "Naiwan ko pa naman yung gamit sa bahay."

"May dala akong materials, hiramin mo ba muna?" I beamed at her, offering my things.

Lumingon siya sa akin saka umiling. "Wag na lang, Van. Mag-get-to-know-each-other pa lang naman kami ng estudyante ko."

Tumango-tango ako. She's right, hindi naman dapat ay ibibigla ang estudyante sa pagtuturo baka ma-overwhelm. She has to know her student first before diving into a lesson.

Pinanood ko ang paglista ni Herin sa papel niya ng mga gagawin buong araw. Tikom ang bibig ko habang pinagmamasdan . All of them have their own fixed schedule.

Nitong nakaraang araw ay madalas kong napapansin ang pagka-abala nila sa kanya-kanyang personal na buhay. I often caught Herin staring into nothingness these passed few days. Kung hindi naman ay nagrereview siya library para sa upcoming qualifying exam.

She's a very hard-working person.

Ewan ko na lang talaga kung hindi siya makapasa sa exam namin. Pati nga ang IPA chart kabisado niya na rin. She is really fond of teaching.

"May bago akong part-time job kaya medyo di tayo nagkaka-usap," anas ni Herin nang bumaba kami sa tricycle na sinakyan namin.

"Kamusta ang buhay?" I asked them.

Milan pouted as she remembered something sad happened. "Patay na si Timothy, yung pusa ko. Ayun, na-stress ang lola niyo."

"Condolences, Mil," I uttered sincerely, I even patted her shoulder.

"Another angel left the earth, may your cat rest in peace," she smiled sadly at her.

"Salamat, guys-" nangunot ang noo ni Milan. "Te, bakit ganyan ang mata mo? Nagsusunog-kilay ka, 'no? Turuan mo naman ako magsunog ng kilay, iba kasi pinagkakaabalahan ko, naggugupit lang ng bangs."

Herin brushes her right eye before smiling. "Medyo napuyat lang, ayon naghahabol ako sa research nung nakaraang araw."

"Baka sa sobrang puyat mo magka-short-term memory lost ka," paalala ni Milan. "Okay lang yan basta wag mong kaligtaang may defense pa tayong tatapusin," paalala nito kay Herin na humahalakhak lang.

It made Herin groaned inwardly.

"De bale, final defense naman na yun, after nun makakahinga na kayo nang maluwag," pagbibigay lakas-loob ko.

Sakit sa ulo pala ang ka-grupo niya sa kanya. Dumepende ba naman sa kanya dahil alam nilang hindi papayag si Herin na bumaba ang grades niya.

Herin is expecting she would surpass her previous grades. It's just sad she has already 2 in our previous subject. I just don't think she deserves it.

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon