Chapter 39

302 18 0
                                    

“Malapit na birthday mo. Anong gusto mong regalo?” tanong sa akin ni Jona mula sa call.

“Peace of mind, Jona. Magkano ba yun?” I chuckled.

"Oh, bakit ganyan ang tono ng boses mo, Vanity? Mukhang may hindi ka sinasabi sa akin," she asked worriedly.

Binaba ko ang piles ng project papers ng mga estudyante ko sa table saka tumawa nang mahina. I heard her grunted and asked me what happened. It was two weeks ago nang mangyari ang eksenang yun. As of now, wala akong ibang nilalapitan kundi si Marife at Koven.

Medyo naging mailap ang mga estudyante sa akin pero meron pa rin naman ang mas nakakaintindi sa akin.

They made students think I was an addict. Ang sakit sa parte na yung mga estudyante mo iba na tingin sa'yo. Yung mga bumabati sa akin ngayon iniignore na lang ako. Parang ibang tao na lang ako sa kanila. Alam kong may kaunawaan na sila sa ganong bagay pero yung takot nila sa akin hindi mawala.

Hindi kumalat ang nangyari. They kept what happened to themselves. Wala akong narinig na nakarating din ito sa principal kahit kating-kati na si Marife at Koven na magsumbong but I told not to. Ang gusto ko lang naman mangyari ay manghingi sila ng tawad sa akin pero parang wala silang balak gawin yon.

Bukod sa toxic ang attitude nila ay talagang ma-pride rin pala.

Elias doesn't show up again. Ni-hindi ako nito tinawagan o tinext pagkatapos ng mainit na usapan namin na 'yon. Medyo na-guilty naman ako dahil may mali naman ako talaga. It's my fault that I didn't tell him right away Kirk's courting me. Nalaman ko na lang na may tinatapos itong proyekto sa Bulacan.

Si Kirk naman ay nawala ng ilang linggo. Nagpaalam ito sa akin na babalik ng Rizal para sa panibagong proyekto. The Bridge was finally built. Natutuwa ako kapag yung mga estudyante doon na dumadaan. Hindi na nila kailangan tawirin ang ilog o maglakad ng mas malayo para makarating lang sa school.

"Para akong sinasaksak kapag di kita nakikita," aniya sa mababang tono sa call. "Nasanay ako nang kasama kita, Vanity. Namiss kong kumain nang kasama ka."

Napatawa ako nang mahina, humigop ng kape saka tinanaw ang madilim na kalangitan. I can view the street light away from here on the rooftop. May mga iilang tao pa ang naglalakad doon kahit gabing-gabi na.

Kinikilig ako dahil nagawa niya pa akong tawagan sa sobrang busy niya sa trabaho. He always makes way. He always finds ways to call or text me.

"Para kang baliw," kinikilig kong sabi. "Arte mo, parang mawawala ka lang ng ilang linggo eh."

He heaved a sigh. "That's a relief. I could go back to my postponed project. Pag-uwi ko talaga dyan humanda ka."

Ngumuso ako. "Ah, talaga ba, Engineer? Matagal pa ba yan?"

"Hindi. Matatapos din 'to agad. May katulong naman ako. I have Isagani with me and Donovan."

Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. "Donovan? You mean Donovan De Vera? I thought you're only working with Isagani? Anong ganap niya d'yan?"

"Architect, Vanny. Isagani is responsible for the interior. Mainit na nga ang ulo dahil hindi satisfied sa design niya." he laughs.

"Yung kliyente ang hindi satisfied?"

"Siya rin. May pagka-perfectionist siya eh. That's work so I guess ayos lang na ganun siya."

"I heard he's a bit strict?"

"Anong a bit? Masungit talaga. Ilang beses na yun nakakagalitan ng mga kliyente." he chuckled. "Pero mabait naman 'yon. Seryoso lang sa trabaho."

"Couldn't believe that." I replied, shaking my head.

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon