Chapter 28

376 19 2
                                    

Maganda ang sikat ng araw habang dinadama ko ang paghampas ng hangin sa aking balat. Hindi ganun ka-init at mas lalong hindi ganun ka-lamig. I'm pinning the folder against my chest while walking silently in the hallway wearing the uniform that made me so powerful.

I checked my v-shape neckline blouse, with its light clay color. Pinatneran nito ang itim na fitted slacks. The uniform is fitted perfectly on my body. Sa paghakap ng uniporme sa katawan ay kitang-kita ang hubog ng katawan ko.

Pinupuna nila yun. Medyo may kalakihan ang balakang ko but still feminine raw kahit hindi ako katangkaran. I don't wear over inches heels, just flat shoes okay na.

I heaved a sigh before stepping in the classroom and plastering a smile on my lips. Pagpasok ko sa loob ay ginawaran ako ng pagbati ng mga estudyante.

"Good morning, ma'am Esperanza!"

"Good morning my dear students!" I also greeted them back.

I started the class with an opening prayer before checking the attendance and lastly, asking how their lives were going. Hindi lagi mawawala ang tanong na 'yan bago ako magturo because I know some of them arent that okay to face another day. My students are also facing silent battles at gusto kong ma-make sure kung maayos ang kalagayan nila.

May mga rason kung bakit ang isang bata ay pumapasok sa eskwelahan; maybe the student eagerly want to learn; maaari na ang estudyante ay pumasok lang para iwasan ang pag-iisip ng problema, nililibang na lang ang sarili sa pagpasok; maaaring ang isang estudyante ay may kinakaharap na problema sa bahay kaya pumasok na lang; may mga estudyante na pumasok lang dahil sa baon at makipagdaldalan sa kaklase.

Maraming rason.

And you, as a teacher you'll have to find ways para makuha ang interest ng bata para matuto.

Sa loob ng kwarto, mayroon akong forty-four students-sa loob lang ng isang oras. Sa susunod na kwarto naman ay may fifty-one. Sa susunod na kwarto naman ay may sixty-five. Hanggang sa umabot ng pampitong section.

Hay, ang sarap talaga maging teacher.

"Okay, class, what is the lesson we had last friday?" tanong ko sa kanilang lahat.

Mabilis na tumaas ng kamay si Kyla at tumayo. "We have the eight parts of speech po."

"Very good! That's correct! Can someone recall what are the categories included in eight parts of speech? Yes, Miss Lyka?"

"Uhm, there are eight categories in eight parts of speech which are. . noun, pronoun, verb, adverb, adjectives. . uhm." napatigil ito at napakamot ng noo. "I forgot the three, ma'am."

Ngumiti ako nang malaki. "Great! It's okay, anak. You may now take your seat!"

"Anyone? Who wants to answer?"

Lahat sila ay napatahimik lang na nakatingin sa akin na parang antok na antok pa. I chuckled as I opened my bag and took out the small pieces of papers inside the small container.

"Ayaw niyo, ha? Sige, magpapachips ako ngayon."

Mabilis silang nagsitaasan ng kamay nang ilabas ko yun. Napatawa ako nang halos lahat sila ay tumaas ng kamay. Kapag may chips talaga nagiging competitive 'tong advisory ko eh. They know how many points my chips are. Bawat papel ay may nakasulat na tatlong salita: Slay, Slew, Slain. Aim talaga nila yung Slain kasi ayun yung points na pinaka-malaki.

"Ako naman, ma'am!"

"Me, please! Sana mapili!"

"Choose me, ma'am because I chose you as my favorite teacher!" pang-uuto ni Nicole.

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon