Chapter 42

341 15 0
                                    

I stood up shakily as I recovered from crying. I'm struggling wiping my tears away before sniffing. May iilang dumadaan sa hallway kaya nagdesisyon ako na umalis na lang. Nang pumikit ako ay hindi alintana na pumasok na naman sa isip ang mga binitawang sinambit niya sa akin.

Ang madilim na mata ni Kirk na may pagka-muhi at pagkadismaya ang pumapatay sa puso ko. Bagama't malakas ang tugtog na nagmumula sa dance floor ay dinig na dinig ko pa rin ang sariling hikbi.

Bumuga ako ng hangin at binulong sa sarili, 'Kaya mo 'to, Vanity'. I composed myself again. Mabigat ang mga hakbang ko paalis ng bar. Nang makalabas ay pumarada ako sa taxi. Minsan pa akong sumulyap sa entrance ng bar, expecting him to follow me. Pero ang hibang ko na talaga, sumobra na yata ang expectation ko na babalik si Kirk sa akin agad.

Dahan-dahan kong binalingan ng tingin ang coat na nakapatong sa balikat ko. I slightly lower my head to smell it. Napangiti na lang ako sa pamilyar na amoy. Vanilla. Sobrang bango pa rin, parang naliligo siya ng perfume.

Sa pag-iisip ay pumasok agad si Bridgette sa utak ko.

Bahagya akong natigilan sa pumasok sa isip. If Kirk doesn't want to tell me everything then, there's Bridgette.

Hinugot ko ang phone mula sa bulsa para i-chat si Wave asking where could I find Bridgette. Sineen lang nito ang chat ko pero agad akong kinabahan nang tumunog ang phone dahil sa tawag niya.

Agad na nagliwanag ang mukha ko.

"Vanity! I read your message!" masayang wika ng lalaki sa akin.

"Wave! Thank God you called!"

"Yes! By the way, kamusta? Nasaan ka? Oo nga pala. Bakit mo tinatanong kung saan si Bridgette ngayon?"

"Nasa taxi ako ngayon. I badly need to talk to Bridgette, Wave. M-May gusto lang akong malaman. At saka. ." I bit my lower lip. ". . ayaw na akong kausapin ni Kirk. He gave up pursuing me."

Dinig ko ang saglit na pananahimik niya. "I-I'm sorry about that. Parang mas pinalala ko lang sitwasyon mo."

"It's okay. Mabuti ngang nag-talk tayo eh. Ayun, may nalaman ako." I chuckled.

"Ah, miss, saan po pala tayo?" kumamot si Kuyang nagda-drive.

"Ilapit mo yung phone sa driver. I-loudspeaker mo na rin," utos ni Wave sa akin.

Wave mentioned an unfamiliar place to him pero tumango lang ang driver sa sinabi nito.

"Room 106 si Bridgette," paalala sa akin ni Wave. "Sasamahan sana kita kaso walang magbabantay dito sa rage house, eh."

"Ayos lang yun. You have done enough. You helped me, Wave."

"Wala yun, basta kayo ni Kirk. Kapag nagkaayos kayo, ipa-kamusta mo ako, ah." he chuckled.

"Oo naman, sasabihin ko."

"Sige na, I'll hung up na, may kliyente eh." he chuckled.

I smiled. "Salamat, Wave."

"No prob!" his last words before ending the call.

Nilipat ko ang tingin sa labas ng bintana.

I was stopped as I spotted the familiar build walking alone, nasa gilid lang ito ng kalsada. Nakasuot lang ang lalaki ng simpleng shirt na navy at khaki short. Ewan ko pero ang bigat ng pakiramdam ko habang sinusundan ng tingin si Elias.

Saktong tumigil ang taxi malapit sa kanya kaya nakumpirma kong si Elias nga. I was ready to call him, pero bumaba ang tingin ko sa hawak nitong patalim. Kung di ako nagkakamali ay kutsilyo iyon.

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon