Nung una, naaawa ako sa kanya dahil niloko siya ng ex niya until the day I found her bad attitude towards people. Hindi pala siya nakakaaawa. Nakakainis.
Tuwing dadaan sila sa canteen ng kaibigan niya, parang may force na nagbibigay daan sa kanila kaya nasasantabi ang mga nasa paligid niya. Hindi sa coffee shop ang unang araw na nakita ko siya. Tuwing recess ay naririnig ko ang pangalan niya dahil ayon lang naman ang oras na nagkakasama ang iba't-ibang department.
"I didn't mean to hear it," ayon ang tangi kong nasambit nang makita niya ako na nakapanood sa kanyang umiiyak.
Binaba ko ang tingin sa kanya at inabot ang panyo pero tinapon niya lang yun sabay alis na parang galit pa sa akin. Hindi ako kailanman pinakitaan ng ganung pag-uugali ng kung sinong babae. Tanging siya lang. Kaya nainis ako lalo.
"Maging jowa mo na lahat wag lang yung major in English na si Vanity Esperanza!" ani ng kaklase kong si LJ sa lalaking naka-varsity.
Ang alam ko ay MVP itong lalaki dahil madalas din itong pag-usapan sa campus.
"Wala kang pakialam, Laura! Tangina, hanggang ngayon ayan pa rin lumalabas sa bibig mo!"
The girl puffed her cheeks in anger. "She's a competitive bitch! She's a witch! Bossy! At feeling -"
Nakaipit sa bewang ng lalaki ang bola, binayo niya ang bola habang umigting ang panga nito at hinila ang kaklase ko paalis.
Vanity. Is that name on the rooftop? Ah, siya nga. Yung competitive raw na representative ng COE? Magaling siyang magturo, at halatang sanay na siya doon. She just proved it as I visited their room for my aunt's assistance.
Umiling na lang ako sa sarili.
Pinagdiskitahan pa ako na kinuhaan siya ng pictures, akala naman niya interesado ako sa kanya. Tinitigan ko ang mga kuha kong litrato ng PPT niya at hindi ko maiwasan ang hindi mapahanga dahil organisado iyon. Talagang malinis at readable. Minimalist ang design kaya gusto ko yun para sa presentation ko para youth bible study namin.
Nang ilipat ko sa isang photo ay hindi ko maiwasan ang pamulahan dahil nahagip pala siya ng camera ko. Kitang-kita siya sa picture, nakabuka nang bahagya ang labi habang nakakumpas ang mga kamay at ang mas nakakabigla sa sumunod na litrato ay nakatingin na siya sa camera.
Hindi ko alam pero humanga ako sa ganda niya. Maganda naman talaga siya. Her body looks so feminine. Malinis. Mahaba ang itim na itim nitong buhok.
Medyo may kaputian pero hindi-katangkaran. Mukha lang mataray at suplada. Pero mas napako ang tingin ko sa kurba ng bewang niya. Her hips are curved perfectly like it's meant to be touched by someone who has strong yet gentle hands.
Parang yung sakin. Kidding.
"You mean the pictures of your ppt? Ang ganda kasi ng designs kaya ko kinuhaan. Pwede ko rin magamit sa presentation ko."
Binura ko ang pictures niya pero nakatambak lang yun sa recently deleted. Pero anong ginawa ko? I restored her pictures.
Ewan ko ba, natuwa kasi ako sa ekspresyon ng mukha niya nung nagalit siya. I won't forget how her face turned red with a mixture of anger and embarrassment when I announced it. Pakiram ko rin ay nakabawi ako nung parang tanga ko lang inabot ang panyo ko sa kanya pero tinapon niya lang.
Umani yun ng issue sa campus namin, ang balita ko pa ay pinost yun sa isang page ng campus namin. Hindi naman ako nag-abalang makisalo pa palo, baka mas lalo pang lumaki.
"Angeles, sa court daw tayo aya ni Bjorn!" tukoy niya sa kaibigan sa kabilang block, civil engineering din.
We gathered on the court para sana simulan ang inaayos ang plate namin pagtapos kong magbanyo. I was with Lurice, my classmate and other classmates. Minsan lang ako makihalubilo dahil transferee pa lang naman ako mula sa kabilang campus, medyo nahihirapan lang ako mag-adjust. Si Gan lang ang nakakausap ko dahil kasama siya sa minystry ng church namin. Pero sa ibang department siya.
BINABASA MO ANG
Twist of the Wind (Batchmate Series #1)
عاطفيةBatchmate Series 1 Vanity & Kirk [under revision] They called Vanity brainy, appealing, and honorable. Yet, despite these flattering remarks, Vanity didn't feel perfect at all. She sensed a void in her heart that nothing could fill. This cynicism ma...