Chapter 41

355 16 0
                                    

Ang bilis ng panahon. The day passes by as the wind blows. Ang natamo kong sugat ay hindi pa rin nahihilom. Para itong peklat na natamo sa puso ko at unti-unting nabubuhay para lasunin ito.

I didn't let Kirk see me. I didn't let Kirk talk to me after what happened. Galit ako pero hindi ibig sabihin ay hindi ako nasasaktan.

Day 1

"Vanity, nasa labas si Kirk," ani Nanay Loyda pagbukas ng pinto ko ng umaga.

"Wag niyo pong pansinin. Wag nyo papasukin. Wag niyo kausapin."

Naramdaman ko na lang ang pagsarado ng pinto bago pinikit ang mga mata.

Day 2

"A—Ate Vanity, si Kuya Kirk po nasa labas. Gusto ka kausapin," Zech informed.

Binaba ko ang hawak na brush bago buntong-hiningang binalingan ng tingin si Zech.

"Paalisin mo."

Day 3

"Ate, kumain ka raw po sabi ni Kuya Kirk." nilapag ni Zach ang prutas sa ibabaw ng desk ko.

I take off my reading glasses before shoving it away.

"Ikaw na lang muna ang kumain."

Day 4

"Kirk's outside the school. Ito, oh, bulaklak daw para sayo," Marife uttered with a low voice.

Binaba niya ang pumpon ng bulaklak sa desk ko. I grunted and shoved it away slightly.

"Sayo na lang."

"Kung para sa akin ay kukunin ko talaga. Pero para to sayo."

"I don't need his efforts. Just ignore him."

Day 5

"Beh, stress balls daw para di ka ma-stress lalo," nilapag ni Koven ang dalawang malambot na bola sa desk ko bago umupo sa tapat kong upuan.

"Wag niyo kunin mga binibigay niya. He deserved to suffer alone."

Day 6

"Hays, pogi talaga ni Engineer Kirk. Ganda naman ng background nya, church. Sana dyan kami ipakasal," pagpaparinig ng isa kong co-teacher.

"Ginawa si Engineer Kirk para sa akin, ma'am."

"Wag kang delulu, di alam ni Kirk na nabubuhay ka."

Umikot lang ang mata ko sa mga naririnig.

Day 7

"Ma'am, pinapabigay po ito  ng poging lalaki sa labas ng gate," Joseph—my student said handing me the handkerchief.

Umiling ako at bahagyang ngumiti. "Ibalik mo sa kanya, nak."

Day 8

"Coffee raw, ma'am sabi ni Engineer," wika ni Cecilia pagpasok sa office.

"Just drink it. Marami pa akong tatapusin."

"Ubusin mo raw eh. Utos iyan, Vanity."

Umikot ang mata ko at hinarap siya. "Kapal din naman ng Kirk na yun, eh no? Talagang inuutusan pa akong inumin ang kape na yan! Bakit? Ganyan na ba talaga siya ka-desperado na tanggapin ang binibigay niya sakin?"

Cecilia smirked. "Don't be so assuming, di yan kay Kirk. Galing kay Engineer Elias yan."

I just snorted and sipped on the coffee. At least pampalubag ng loob tong pag-inom ng kape.

"Hindi ka talaga titigilan ni Kirk. Hindi yun mapapagod," out of context na sambit ni Cecilia.

Inangat ko ang tingin sa kanya and she's currently applying makeup on her face.

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon