Chapter 11

420 23 0
                                    

Kinalimutan ko lahat ng nangyari ng araw na iyon when I reached for her, asking what's going on. Herin told me she's been dealing with problems in her home. Hindi detalyado ang pagkakasabi nito sa akin ngunit sa chat niyang iyon ay lumambot ang puso ko.

Pumasok kami ng school na parang wala lang nangyari. Na parang wala kaming problema. Herin didn't act unusual again at bumalik ang sigla nito sa pakikipag-usap sa'min.

"Tangina ka, Milan isa pang asar mo d'yan!" natatawang saad ni Herin habang nakaturo ang tinidor sa kaibigan.

Milan laughed as well saka binato ang ballpen sa kanya. "Totoo nga! Mukha kayong bagay ni Cholo! Mukha lang ah!"

Ngumuso siya at sumubo sa kinakain na carbonara. "Respetuhin mo si Vanity, may balak manligaw si Cholo dyan!"

"Vanity doesn't want to. Hindi niya naman type si Cholo!" ani Milan. "Tsaka isa pa. . " she flashes a wide grin. "Gusto ko si Vanity para kay Kirk."

I grimaced when she said that. "No to religious guys," bumalik ang tingin ko kay Herin. "Bakit? Crush mo ba si Cholo?" tanging tanong ko sa kanya.

I don't like Cholo. Kung may gusto man ang mga kaibigan ko sa kanya, wala akong problema. At mas lalong ayaw ko kay Kirk. He's always reading his bible and gradually interacting with other guys.

Dumaan ang pagpula sa mukha ni Herin at umubo lang ito saka uminom sa tubig. "Hindi ko gusto si Cholo, 'no! Iba kaya!"

"Iba ampota pero nakita ko sa Facebook history-" mabilis na tinakpan ni Herin ang bibig ni Milan.

"Isa pang kalkal mo ng Facebook ko di talaga kita papasagapin sa hotspot ko!"

Natatawa kong pinanood ang dalawa habang nag-aasaran. For me, seeing the two talking that way is lively and wholesome. Normal man sa amin ang ganitong usapan pero masarap sa pakiramdam.

I took out the phone from my pocket and secretly took a picture of them. Nahuli ako ni Milan na ginawa yun kaya sa huli ay pinilit na sumama ako sa picture.

Nasa kalagitnaan kami ng pagseselfie nang sumulpot si Cholo.

With his grin on his lips, broad chest and muscles, bitbit na naman nito sa kaliwang kamay ang isang paper bag ng Jollibee. Gwapong-gwapo ito sa suot na uniform. It's just simple yet students around us are drooling over him.

"Shet," mahinang mura ni Milan habang kagat ang labi.

"May pa-meryenda si Cholo!" masayang wika ni Herin ngunit ang ngiti ay hindi umabot sa mata.

Umikot ang mata ko nang ilapag ni Cholo ang pagkain sa lamesa. "Hi, Vanity."

"Bakit Jollibee?! Nagsasawa na kami d'yan, Cholo!" pagbibiro ni Milan pero inabot ang pagkain at nilabas isa-isa ang laman.

Kumamot ng ulo ang lalaki at ngumiti. "Sorry, ano ba dapat?"

"Wala kang dapat dalhin kasi hindi ka dapat pumunta kung nasaan ako," I spat, giving him a blank look.

Cholo cleared his throat and pout his lips. "Vanity naman. . . kahit ngayon lang, tanggapin mo na."

"Ayaw ko nga," matigas kong sambit sa lalaki.

Ni-hindi nga ito pormal na nanliligaw sa akin, nalaman ko na lang one day na gusto niya. Walang tanong-tanong, ginawa niya lang ang gusto niya.

Ngumuso ang lalaki sa naging sagot ko. "Wala ka pang tinatanggap na pagkain sakin kahit binibigay ko naman."

"Hindi ko naman sinabi na bigyan o dalhan mo ako, eh," ani ko sa lalaki. "Alis na, Cholo."

Cholo didn't move from standing, bumuntonghininga lamang ito at naghila ng isang upuan saka umupo sa harapan ko. Dinig ko ang tilian ng mga kababaihan sa paligid namin nang gawin niya yun.

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon