Chapter 10

471 24 0
                                    

Naging usap-usapan sa campus ang picture na iyon at mas lalong umugong ang issue na kami na ni Kirk hanggang sa malampasan na namin ang ilang araw na pananahimik.

Para kaming celebrity na kada kibot ay kailangan mag-ingat.

Nagreply ako sa comment sa picture resisting na hindi kami kasi wala naman talaga kami pero hindi naman nila pinaniwalaan, sinabi na tinatago lang namin ang relasyon namin.

Excuse me?! Wala akong balak magjowa ng relihiyoso!

At hindi pa kami ganun magkakilala ni Kirk kahit na sabihing nasa iisang simbahan kami, at iisang school, nakikita ang isa't isa araw-araw walang palya. Madalas lang siyang ngumiti sa akin kapag nakikita niya ako, ako naman di ko lang pinapansin at umaaktong hindi kami magkakilala.

Hindi kami talo.

Ang nangyari sa church nung nakaraang linggo ay hindi ko pinalampas na i-kwento kay Milan at Herin. Bakas ang mapang-asar sa mukha dahil halatang inis na inis daw ako pero hindi ko raw inaamin na gusto ko rin ang lalaking yun.

Hindi ko naman talaga gusto si Kirk. Bakit ba pinagpipilitan nilang gusto ko yung lalaki na yun? Naaasar nga ako kapag tinutudyo ako nito.

Nabalik ang tingin ko kay Prof. Jed nang tumikhim ito, nakatingin na sa akin kaya naman ay dinaluhan ako ng kaba. Hindi ko lang pinakita.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, Esperanza, ha?"

My classmates started giving me a malicious look. I groaned inwardly to that look they're giving me.

"Paano'y may inspirasyon, sir!" si Milan ang sumagot.

"Talaga?" manghang tugon ng prof. namin.

Mukhang napukaw nila ang interest ni sir sa issue na iyon at ginawa pa talagang topic ang picture namin ni Kirk.

I was silent the whole conversation while they're kept answering our prof's questions.

"Nako, ingat lang, hija, ah? Pamangkin ng propesor yon dito. Alam mo na. . ." may kahulugang sambit nito.

"Hindi po kami, sir. Focus po ako sa pag-aaral, wala po ako planong magboyfriend muna."

"No, I mean. . . your image and his image in this school. . there's no wrong if you're two are together pero minamata kayo," payo niya.

Dumako ang tingin ko kay Herin na nasa unang row, nagthumbs-up lang sa akin. Magkakahiwalay na kami kami ng upuan sa subject ni Prof. Jed. Ilang beses niya na kasi nahuhuli si Milan at Herin na daldal nang daldal, nadamay tuloy ako sa kagagahan nila.

The two girls giggled beside me. Si Zyra at Raysell, binulungan ako na ang seryoso ko raw kasi akala ni Sir hindi na ako nakikinig.

Napaayos ako ng upo at tinutok ang paningin kay Prof. Jed nang mag -anunsyo ito. I was really spacing out but I forced myself to focus.

"Ganito na lang, since wala na tayong oras ngayon, mag-aasign na lang ako ng group activities as serve as your quiz. Pero group activity, ha? Meaning, lahat ng members ng group ay makikiparticipate. Walang maarte. Walang magpapa-dumbell."

"Yes, sir," sagot ng lahat.

"Sige, counting tayo hanggang four groups lang."

Nagsimula ang counting and unfortunately, hindi kami magkakagrupo ni Milan at Helena. Dumaan ang panghihinayang sa mukha ng dalawa. Hula ko ay gusto nilang magkakagrupo kami at ako ang gagawing leader. And unfortunately again, dahil ka-grupo ko si Janella.

Tangina, may dumbbell. I heard she didn't give any help noong nagkaroon mini-research nung first sem namin sa major subject. Hindi naman kami magkagroup noon kaya hindi ko alam na ganun siya ka-pabaya sa grupo niya. She doesn't care!

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon