Chapter 3

609 29 5
                                    

"You mean the pictures of your ppt? Ang ganda kasi ng designs kaya ko pinicturan. Pwede ko rin magamit sa presentation ko."

Padabog kong sinarado ang pintuan ng bahay saka lumakad na parang nagpapapadyak na sa galit.

"By the way, can you send me the exact link of your ppt? Hindi ko naman kokopyahin yung content, e, yung design lang."

Bang kapal din talaga ng mukha, nagfavor pa talaga!

I swear, first time kong mapahiya nang ganon at sa canteen pa talaga—kung saan halo-halo lahat ng students na naroon at panigurado hindi lang sa department lang yun magiging usap-usapan.

I can't believe that.

Hindi ko naisip na yung PPT ko ang gusto niyang kuhaan ng pictures at hindi ako. Pero nasa akin talaga nakatutok yung cam, eh! Sigurado talaga ako!

I decided to go home rather than stay at the campus. Ayaw kong makita ang lalaking yun ulit. Magcross lang ang landas namin talaga, hindi ko siya papalampasin.

And don't say he doesn't know me?! Pinahiya niya ako nang ganun-ganun lang sa mga schoolmates namin?! Magiging headline na naman to sa page.

I checked my phone. Pumunta ako agad sa facebook page ng lunggan ng confession and secret files ng university namin.

And I almost cried when there's a post stating : ISANG COE STUDENT, PINAHIYA NG ISANG CIVIL ENGINEERING?

May mga comments doon. I clicked some of the comments below. Putangina, nauna pa talaga si Herin.

Herin Esparagoza (top fan badge)
Ano nga pangalan ni kuya? Kirk yun eh, palapag pls huhu.

Replies. . .

Jayzel Annie
Kurt yata yun beh.

Piyanna Raquel Flores
@Jayzel Annie tanginaka jay, alam mong kirk yan nililigaw mo lang si ate eh, para masolo si kirk ampucha

Jayzel Annie
@Piyanna Raquel Flores hahahahaha gaga nakuha mo

Herin Esparagoza
@Jayz Annie Flores te wag mo ko ganyanin ha, pm yung name ni kirk sa fb hihihi.

I scrolled down again.

James Latino
Gago, is this true?! Dude @Cholo.

Piyanna  Flores
@Cholo

Jacob Fernandez
@Cholo gago

Milan Fuego
@Nolan

Another post had been accepted by the admin and it was composed by Milan.

Milan Fuego

pwede bang wag kau maki-group sakin, kya ko nmn i-search si kirk, idedefend ko pa sha, e hahaha tnx.

I can't believe they are joining the trends. Yung iba ginawan pa talaga ng memes yung picture naming dalawa!

Lagot ako kay dean!

My phoned beeped and it was a message from Milan.

Milan

Te, may 4 hours pa tayo vacant, balik ka dito, ha. May meeting sa groupings daw sabi ni herin.

Vanity

Tayo ba magkagroup?

Wala pang isang minuto nang magreply siya sakin.

Milan

Hala oo nga gago. Chat mo kaya si sir James? Wala pang sinend na names ng magkagroup eh.

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon