Chapter 2

670 32 10
                                    

"Single ka na, Vanity?!" umalingawngaw ang sigaw ni Milan na kapapasok lang ng classroom.

Ipinikit ko nang mariin ang mata dahil sigurado akong dinig yun hanggang labas ng room.

The two rushed towards me.

"Putangina, break na kayo ni Nolboy? So, totoo yung nasa status mo?" Herin asked.

I pulled off my sunglasses and showed my swollen eyes.

"Oo nga." suminghot ako but I still managed to plaster a serious look on my face.

Nakita ko ang pagngiwi ni Milan dahil sa magang-maga na mata dahil sa pag-iyak.

"Uy, break na kayo ni Nolan?!" natatarantang tanong ni Philip na inirapan ko lang.

The two shooed him away.

Kuwento ng dalawa ay kalat din daw sa department namin na single ako dahil sa sharedpost ni Nolan sa second account nito.

Mabilis na pinakita sa akin ni Herin ang caption sa sharedpost.

Nalon Bwakang

Nakalaya rin sa wakas!

Halos ihagis ko sa galit ang phone ng kaibigan dahil sa nabasa ko. Pa-feelimg victim ampota.

Yes. Totoong wala na kami. Let the news spread out so they found out what shitty things he has done to me, including that bitch Janella.

"Sino pang nagpakalat na single ako?" medyo iritado kong tanong, nilabas ang reviewer ko para sa quiz mamaya.

"Oo, sino kaya iyon?" inosenteng tanong ni Milan.

Herin gave her a mischievous grin. "Ah, talaga ba, Milan?"

"Bakit ako?"

"Wala akong sinasabing ikaw, ikaw ha, guilty ka ah!" kinurot niya ang tagiliran ng isa kaya napaigtad ito.

Milan shyly looked away. "Sinabi ko lang kay Cholo, nagtanong kasi, e. Eh, patay na patay yun sayo," ani niya.

I grimaced. Inayos ko ang upo ko sa narinig. "Sinong Cholo?" nakataas na kilay kong tanong.

Herin gasped in disbelief. "This can't be. This can't be happening,"

Binuklat ko ang unang pahina ng reviewer ko. "Sino nga?"

Binasa ko ang dalawang sentences na naka-bullet form sa notes ko. Hindi ko kinabisado, inintindi ko lang ang nakasulat at tinatak sa isip ko para kapag nagreview ako mamaya hindi ko na kailangan basahin sa notes. Hahanapin ko na lang sa utak ko.

"Te, halika, dito." sumenyas sa akin si Herin.

Hindi ako lumapit, binigyan ko lang siya ng taas na kilay. "Inuutusan mo 'ko?"

Inusog niya na lang ang upuan niya sa tabi ko bilang pag-ubaya.

"Sungit mo naman masyado." she cleared her throat. "Anyways, para sabihin ko sayo captain ng basketball team si Cholo. Patay na patay kaya yun sayo. Alam mo yung mga nagmemessage sayo sa ngl na may nakalagay na -C? Si Cholo yun. Ilagay mo sa kokote mo yan," Herin explained.

Kumunot ang noo ko. "Utos ba yan?"

Nawala ang kunot sa noo niya nang marealize ang ginawa. "Hindi, nag-eexplain lang."

"Back tayo sa break up niyo ni Nolan. So totoo tong sila nang pasikreto? Edi cheater itong si Nolan Chomsky?"

"Noam Chomsky," I autocorrected. "Pinagsabay kami ni Janella, cheater nga!" halos pasigaw kong saad.

Gusto kong punitin ang t-in-ake home kong papel nila na chinekan kasi perfect ang score nila doon. Partida, kumpirmado na nangopya ang babaeng yun sa ginawa kong assignment kay Nolan.

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon