"You can put me down. H-Hindi mo naman kailangang gawin 'to," nakapikit ngunit maliit na boses kong sambit sa kanya.
Buhat-buhat niya pa rin ako habang nakasakay na sa elevator. Kanina ko pa sinasabi na iwanan niya na lang ako sa party ngunit tahimik lang itong nagpatuloy sa ginagawa. It's like he's not listening to me kahit nung nasa loob kami ng kotse.
"You have to rest," sagot niya sa akin. He swallowed hard. "Nilalamig ka rin, bakit kasi pumayag ka na ganito ang suot mo?"
My eyebrows intersected. "Pool party. I want to enjoy the night. Tsaka wala kang pakialam."
I heard him sigh. Bumukas na rin ang elevator kaya lumakad na siya palabas. Bahagya kong binuksan ang mga mata. Bumungad sa akin ang nakapirmi niyang labi at seryosong mukha at diretso ang tingin sa daan.
Nang makapasok kami sa condo ay diniretso niya ang sala.
"Dito na lang ako," hilong-hilo kong sambit. "Iwan mo na lang ako rito. . "
Pero dumireto na naman siya ng lakad. Gulat akong napatingin sa kanya nang di niya pinansin ang sinabi ko. Instead, he walked towards the white neat door and opened it.
"It's safe here. Dito ka na lang magpahinga, hmm?" he mumbled sweetly.
Napakagat ako ng labi nang dahan-dahan niya akong ibaba sa mas malambot na kama. In my blurry vision, I saw him turning off the aircon, siguro dahil napansin niyang lamig na lamig na talaga ako. Binuhaghag niya rin ang malaking kurtina kung saan natatakpan ang malawak na wind glass.
His room looks expensive na kahit siguro yung sweldo ko ng tatlong buwan hindi 'to mabibili. He's rich. He owns a lot of things. Mula sa minimalist paintings na nakasabit sa krema niyang pader ay napapahanga ako.
"Vanity," malambing na tawag nito sa akin. Nilipat ko ang tingin sa kanya na nakaupo na sa dulo ng kama. "A-Ano pang gusto mo?"
I composed myself to answer him kahit na ang sakit na talaga ng ulo ko pero hindi naman ako makatayo nang maayos baka matumba na lang ako.
"Kirk, ang sabi ko di ba wag na tayong magkita. B-Bakit. . ." I heaved a sigh. ". .ka nandito? "
"I-I heard from Isagani na nandito ka. Nalaman niya kay Zyra," lumungkot ang mukha nito. "Iniiwasan mo ba ako, Vanny? Ayaw mo na ba talaga sa akin? H-Hindi mo sinabing babalik ka rito."
Bahagyang kumunot ang noo ko. "Wala ka namang karapatan malaman yun, Kirk. Hindi kita boyfriend," matigas kong sagot.
"Bakit si Elias alam niya? hindi mo rin naman siya boyfriend," bata niyang sumbat sa akin.
Iniwas ko ang tingin at pinatong ang braso sa noo. "It's a different situation. Elias' also my friend kaya nagsasabi ako. Ikaw, sino ka ba? Hindi naman kita kaibigan."
"I-I can be your friend too, Vanity."
Bahaw akong napatawa sa sinabi niyang yun. "Friend? I don't want you to be my friend again, Kirk. After all what happened? Umaasa ka pa na magiging magkaibigan pa rin tayo? Please don't do this again. Pagbibigyan lang kita sa ngayon."
"Kung ayaw mo akong maging kaibigan, then. . . I'll give my best to show you that I'm fit to be your boyfriend," palaban niyang sambit sa akin.
Sa paraan ng pagsabi niya noon ay parang malakas talaga ang loob niyang gagawin n'ya talaga. Kusang napaharap ako sa kanya. Sinalubong ko ang seryosong tingin sa akin.
"Don't make me laugh, Kirk," natatawa kong sambit.
"I don't. I'll make you mine," he replied with a deep hoarse voice.
BINABASA MO ANG
Twist of the Wind (Batchmate Series #1)
RomanceBatchmate Series 1 Vanity & Kirk [under revision] They called Vanity brainy, appealing, and honorable. Yet, despite these flattering remarks, Vanity didn't feel perfect at all. She sensed a void in her heart that nothing could fill. This cynicism ma...