Chapter 27

358 20 0
                                    

After so many years, I figured out life taught me one thing: we live to survive and strive.

I always pray to God that I hope one day, my life will get back to normal. Yung walang sakit. Yung walang galit. Yung walang lungkot. Yung walang alalahanin. At masasabi kong hindi Niya pinagkait sa akin yun ulit especially those hardships I had, paid me off.

I sighed and whispered to the wind, 'thank You' hoping it blew to send to God. Malalim ang buntong-hininga ko nang pindotin ko ang 'post' button bago ma-upload ang graduation picture ko.

I already graduated from College. Bachelor of Secondary Education Major in English. Magna Cum Laude.

Herin, we already graduated with latin honors.

Sigurado ako kung nandito ka, may honors ka rin gaya ko.

My smile never fades as my phone keeps vibrating as notification pops up in my facebook. Isang minuto pa lang ay may two-hundred reactions at comments na agad ang picture na pinost ko.

Sa lahat ng friends ko sa facebook, kay Milan ang unang comment.

Mildred Fuego

No doubt talaga ang isang Vanity! Presenting our Magna Cum Laude! Pinupuri ka namin! 🙏🙌🙌

Napatawa na lang ako dahil kahit sa utak ko naririnig ko ang boses niya. I thanked her and heart her comment.

Sumunod ang mga comments from Koven, Marife and Elias. Koven and Marife were also Cum Laude. Ang saya-saya ko nang ma-announce na kasama kaming tatlo. Elias was also in latin honors, nasa Magna Cum Laude rin. Couldn't believe we're already on the same page.

We already graduated. Focus na rin sa pagpapatuloy ng profession namin. At ang LET. I have to pass the licensure examination.

Dinagsa na rin ng mga personal message ang messenger ko pero hindi ko sila ma-isa-isa sa sobrang dami even my professors are congratulating me thru personal message.

Katatapos lang ng graduation namin kanina pero yung saya at kaba habang naglalakad ako sa stage dala-dala ko pa rin, hindi maalis sa isipan ko kung gaano kalaki ang mga ngiti ni Nanay Loyda, Tita Jona, kambal at mga kaibigan ko nung mga oras na yun.

My friends and I also celebrated! Kumain kami sa malapit na Chowking sa campus.

Grumaduate na naman ako nang kasama si Nanay Loyda, at ito ang pinakamasarap na pakiramdam sa lahat ng graduation ko. I delivered my speech in front of them confidently. My face is fully lifted up as powerful as a tiger. I was smiling the whole ceremony because people kept congratulating me. They were all sincere and happy for me! Para akong sasabog sa sobrang saya. Pinapaulit-ulit kong magpasalamat sa Kanya dahil sobra na yung binibigay Niya sa akin ngayon.

Grabe ka, Lord. Ang dami kong kasalanan pero hindi Mo ako pinagkakaitan ng blessings.

"Ito yung graduation na wala akong taong narinig na sinabihan ako ng masasamang salita," I mumbled.

Diretsong  pumasok sa kwarto ko si Jona dala-dala ang boquet ng bulaklak, gift daw ni Francis sa akin.

Lumabas siya ulit at umupo sa single couch sa tapat ko.

"Bakit? Kahit nung highschool ba meron?"

Tumango ako. "Kahit nung senior high ako naririnig kong sinasabihan ako na gahaman daw ako sa achievements, totoo naman, deserve ko naman kasi pinaghirapan ko, eh."

Tumawa ako nang mahina. "Minamasama nila pagiging honor student ko."

She chuckled and placed the milk shakes on the table. "Halika nga, yakapin kita," malambing na saad nito sa akin.

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon