Chapter 37

344 19 0
                                    

Kung ganito lagi kasaya at katamis ang buhay ko kasama si Kirk, wala na ako ibang gugustuhin pang makuha.

Sa loob ng dalawang linggo, walang-palya si Kirk sa pagpapakita sa akin. He kept showing up and asked me to eat outside. Nung nakaraan ay inaya ako ng lalaki sa cloud nine. Ang saya. Ang memorable. Lahat ng bagay na kasama ko siya, sinusulit ko. Pumapasok nga minsan sa utak ko na baka may mangyari na namang matinding problema kasi sobra na kaming naaaliw sa isa't isa.

Nakatanggap ako ng mensahe mula sa former adviser ko noong high school sa Peril. Late na raw nang sabihan niya ako para sa gaganapin na graduation. She asked me to be an inspirational speaker sa graduation ng mga magmomoving up.

I accepted the offer right away. Bukod sa gusto kong may magawa sa loob ng dalawang linggo, mahalaga na kahit papaano ay magkaroon ng inspirasyon ang mga bata sa pagpapatuloy sa senior high.

"Balak nga ni Dr. Geronimo na wag nang mag-ganoon kaso maraming estudyante na balak tumigil sa senior high. Trabaho na lang daw sila. Nasabihan na niya pala yung napiling speaker na wag tumuloy, pero nagbago yung isip. Ayaw na kasi ng speaker dahil mangingibang-bansa," sumbong sa akin ni ma'am noon sa call.

Si Milan ang unang tao na sinabihan ko na magsasalita ako sa moving up ng mga junior high school. She was so proud of me. Patalon-talon siyang nakahawak sa mga kamay ko.

"Yung pamangkin ni Zyra magmomoving up sa Peril," aniya. "Manonood talaga ako. I'll watch you there, Vanity."

The second person was Kirk. Kita ko ang galak sa mga mata niya. He held my shoulders and pulled me for a hug.

"My baby will deliver her speech to everyone," masaya niyang bulong sa akin. "I will be there. There's no way I wouldn't attend the moving up ceremony. I promised you that, Vanity."

Dumating yung araw ng seremonya. Maaga pa lang nasa labas na ng bahay si Kirk. He waited for us in the car. Ayaw papasukin ni Milan kaya ayos lang daw na nasa kotse siya.

The ceremony went smoothly. Dinaga ang puso ko nang i-announce ang pangalan ko sa entablado. Matagal-tagal na nang natawag ang pangalan ko para makapag-salita sa unahan. I felt Kirk's hand tapping my back as he recognized I was a bit shaking.

"Go, ma'am. I'm watching," he cheered up. "You can do this, baby."

I heaved a sigh before stepping upstairs. Dinig ko ang palakpakan ng lahat. The person I noticed from in front was Kirk. Sinubukan ko panatilihing maging seryoso nang dukutin nito ang phone mula sa bulsa sabay tutok sa akin ng camera ng phone niya.

He's taking a picture of me while I'm delivering my speech.

The whole time, he was taking a picture of me hanggang sa makababa ako. Medyo pinamulahan ako nang salubungin niya ako.

"Ngiti ka sa cam, ma'am," he chuckled.

"Huy, parang tanga to!" namumula kong sambit, hinaharangan ang sariling mukha.

"I love you, ma'am," napalakas n'yang sambit kaya lahat ng nasa katabi naming upuan nagtitinginan.

We're freaking in the first row! Halos lahat ng mga tao sa unahan ay nakatingin sa amin. It's like we already got the spotlight.

Dalhin doon ay napangiti ako lalo pero ang tingin ko ay nasa unahang stage. He took that photo of me while smiling widely. Only the left side of me is showing.

Pagtapos ng ceremony ay puro tudyuhan sila sa amin. Si Milan ay nasa isang sulok lang, nakangisi. I don't get her. Minsan ayaw niya kay Kirk, minsan pinapabayaan niya lang ako.

But the good thing is, she doesn't take me away from him.

Inabot ni Kirk ang phone niya kay Milan. "Just one shot."

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon