Chapter 40

358 17 0
                                    

Kirk Angeles

Tama na panloloko, Kirk. Malaya ka na.

Ang galing mo lokohin ako, napaniwala mo na ako. You get my trust but you crashed it again.

Be happy without me.

That's my last message before I deactivated my accounts. Lahat ng accounts na meron ako ay dine-activate ko for the sake of my mental health. I cried all night, wishing I shouldn't let Kirk enter my life again.

Kirk and Bridgette.

Pregnancy Care Clinic.

Pictures.

Bridgette's pregnant.

Kirk's child.

Tama na 'to. Sagad na sagad na ako sa sakit naranasan ko.

Pumasok lang siya ulit sa buhay ko para sirain ako. I should have listened to Milan and Cholo. I shouldn't have given my heart to him for another chance. Dapat pala ay nakuntento na lang ako kay Elias.

Tangina, naawa ako sa kalagayan niya. Inintindi ko siya dahil nararamdaman kong sagad na rin ang sakit na naramdaman niya dahil broken family siya. Sa totoo lang, dapat nga hindi ako naniwala sa mga salita niya eh, kaya ko naman eh. But I chose to gave him the chance to prove himself to me.

Oo nga, he proves that I don't deserve him. I shouldn't try to fit into his heart. Wala, eh, hindi talaga fit. Bakit ko pa pupwersahin na pasukin ang mundo niya kung siya hindi handang ipagkatiwala ito sa akin?

Lagi na lang may Bridgette. Lagi na lang siyang nasa eksena kapag okay kami ni Kirk. She ruined everything. She killed my friend. Tangina, I forgave her already pero dahil sa nakita ko. . . the grief is poking on my chest again making me cried in anger.

"Ate, aattend ka ng bible stud-" napatigil si Zech nang bumaba ako hagdan na mugto ang mga mata.

Zach and Zech shared a look like they're asking each other through eye contact.

"K-Kayo na lang muna. . " mahina kong usal, dumeretso ako sa kusina para magsandok ng pagkain.

Wala si Nanay Loyda dahil bumibili ito ng panghanda para sa birthday ko bukas. Kasama naman nito si Ate Banjie na kapitbahay namin. I offered to come along pero ayaw ni Nanay Loyda lalo na nang malaman ang nangyari. Inalo ako nito kagabi nang dalhan ako ng pagkain sa kwarto.

"Ate, k-kasama kasi si Kuya Elias mamaya sa bible study, sabi niya pumunta ka raw mamaya. Ngayon din kasi yung bagong bukas ng church nila Pastor Emmanuel."

Lumapit sa tabi ko si Zech. "Tsaka ate, bakit daw hindi ka kita ma-contact? Wala na rin daw yung account mo sa facebook kaya hindi siya nakapagsabi sayo."

Tama ba ang narinig ko? Nandito si Elias? Nakauwi na siya? Bakit parang tumagal yata?

Umiling ako. Nanlalambot na kinuha ko ang kutsara saka sumubo ng kanin na may sabaw ng sinigang.

"P-Pasabi kay Elias absent muna ako."

Hindi ko kayang humarap sa simbahan nang ganito ang hitsura. Pangit naman kung papasok ako nang may sama ng loob tapos umiiyak pa.

"P-Pinilit kasi kami ni Kuya Elias na papuntahin ka. He's expecting you to come daw."

Agad kong binaba ang kubyertos na hawak ko. "Elias can't control you. Wag kayong susunod sa lalaking yun na parang magkakapatid lang kayo," medyo napalakas kong saad.

My voice echoed all over the room at ramdam ko ang paninigas ng dalawa sa pagbitiw ko ng mga salitang yun. Tumungo lang ang dalawa.

"Opo, ate. Sorry."

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon