Chapter 16

392 23 2
                                    

Sinamahan ako ni Cholo magpalamig sa waiting sched non. I just couldn't carry the heavy feelings. Sa sandaling yun parang kinalimutan ako ni Kirk. I felt earlier that my heart stabbed countless times. Ang sakit-sakit. Siguro dahil . . first ko lang maganon ng lalaki.

Nagbuntong-hininga ako at tinago ang reviewer kong basa sa bag.

Nakareceive na rin ako ng ilang tawag sa mga kaibigan ko pero sinabi kong kailangan ko ng oras makapag-isip.

"He's so special to you, isn't he?" biglang tanong ni Cholo habang ang paningin ay nasa daanan lang ng mga sasakyan.

"He's my friend. Tsaka. . he taught me something I hadn't figured out before. Nabago yung pananaw ko."

He chuckled. "I hope I'm that kind of friend who's very special to you, Vanity." tumikhim siya. "Yung kaibigan na iiyakan mo."

Dahan-dahan kong nilingon ang ulo ko sa kanya. "Di ka pa rin ba nakakamove on sakin?" biro kong tanong dito.

He smirked. "Paano ako makaka-move-on e, ang ganda mo."

"Alam ko," I answered, flipping my hair.

"Narcissistic nga lang," dugtong niya.

Pabiro ko lang siyang sinuntok sa braso. "Sira."

Pero mayamaya rin ay napabuntonghininga na naman ako. Malapit na pala ang deathsarry ni mommy -at ang kasal nila daddy.

Tumayo si Cholo sa harapan ko at inilahad ang kamay niya. "Tara, may pupuntahan tayo," pag-aya niya sakin. "You kept contemplating, Vanity."

Confused, I let him pull my hand. "S-Saan? Bakit ka nag-aalala?" I let out a chuckle. "Ayos lang naman ako."

"I can't trust that. We're going somewhere fun!"

Hinila ako nito papasok sa loob ng campus ulit. Ang hindi ko lang maintindihan, nasa college of arts kami dumeretso!

"Huy! Tama ba 'to?! Baka pagalitan tayo ng bantay dito! Si Kuya Rudy baka ipa-office tayo!"

"Saglit lang 'to," bulong nito habang natatawa.

Kinuha nito ang susi sa kanyang pantalon na kinagulat ko then he started plucking the key on the doorknob.

"Huy, gago ka!" napatampal ako ng bibig sa sinabi. "Kasi 'to, eh! Papagalitan tayo ng dean."

"Ako na ang bahala kay mommy," sagot niya.

"Huh?"

He grinned widely. "My mom's the dean, remember! Don't worry, babe."

He pushed the door immediately to open as he unlocked the door. I gasped when I paced my eyes around the room.

Maraming mga unnecessary materials for painting. May mga sketchpad na nakaimbak at canvas sa gilid. Parang lunggaan na lang 'to ng mga hindi nagagamit na materials and tools for arts.

Lumandas ang tingin ko sa mga iba't-ibang kulay na paint sa ibabaw ng table na mahaba. Dahan-dahan kong nilapitan yun at tinitigan.

"Orange ba 'to?" tukoy ko sa isang pail ng kulay orange na paint.

Umiling ito sa likod ko at napahalaklak. "Hindi, tangerine yan."

"Ito na yung orange?" turo ko sa kahawig din ng orange.

Mas lalo siyang napatawa. "Adobe 'yan."

"Seriously? Ano'ng pinagkaiba n'yang mga kulay na 'yan?"

"Magkakaiba 'yan, Vanity, wag kang bulag," puna niya. "Medyo bobo ka pala sa kulay, 'no?" natatawa pa ring saad niya.

Twist of the Wind (Batchmate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon