It happened so fast at napilit na naman ako ng mga butihin kong tita. I would just groan and grunted but I couldn't back out.
Mabilis natapos ang preach na parang hindi ko namalayan na umabot pala ng dalawang oras yun. Inaantok na nga ako habang nakikinig sa isang youth na nag-aanounce sa harapan. But the good thing is madalas akong daldalin nung lalaki kanina sa tabi ko.
He looks kind and gentle, though. Nakakaaliw lang siya magsalita. Hindi ko lang makalimutan ang may kahabaan nitong buhok.
Napatingin ako rito nang may hugutin siya sa backpack na dala niya sa lapag. He took out his phone and gave me a look.
"Ano'ng pangalan mo pala?" tanong niya sa akin saka binasa ang labi.
"Vanity," sagot ko rito habang antok na antok.
Saglit itong napatigil sa pagtype sa phone at sinalubong ako ng gulat na tingin. "Ah, ikaw yun? Si Vanity Esperanza? Sikat ka sa campus ah," sambit nito, malaki ang ngiti. "Nice, it's glad that I met you here."
I smiled at him and nodded. "Nice to meet you rin. Ikaw?Anong name mo?"
His lips curved upward. "Isagani. Gan na lang in short. Sa education ka, ano?" tanong pa nito sa namamaos na boses.
Tumango ako, hindi pa rin naalis ang ngiti sa labi. "Oo, first year pa lang naman."
Tumango-tango ito. "Hindi ko inaasahan na ganito ka makipag-usap sa hindi mo kilala. I thought you were intimidating and bossy. Ayon kasi ang naririnig ko about sa'yo."
Umikot ang mata ko sa sinabi nito. "Top adjectives sa akin lagi."
I take it as a compliment though. Iyon naman talaga ang gusto kong makita nila sa akin.
He chuckled and excused himself.
By chance ay napunta ang paningin ko kay Kirk na nasa harapan. Inaayos yung microphone na malapit lang sa piano. Nang sandaling iyon ay tinaas ko nang bahagya ang aking kilay dahil kanina pa siya nakapanood mula dun.
Tumayo na lang ako at lumabas ng church. Tumigil ako sa tapat ng puno ng mangga dahil wala naman masyadong tao dun. Sila daddy naman ay nasa bahay nila pastor, niyaya itong pumasok. Inaya rin ako ni pastor pero tumanggi ako na sumama. Gusto ko munang mapag-isa.
I didnt know na malapit lang pala ang bahay nila sa church.
"Vanity," tawag ng lalaki sa aking harapan habang may seryosong tingin sa akin.
Nilingon ko si Kirk na ngayon ay nakatayo lang sa harapan ko gayong lumandas ang paningin ko sa hawak niyang bible.
"Ano?" medyo naiinis kong tanong.
Can't he see? Ayoko siyang kausapin pagtapos ng walk-out-walk-out niya sa library.
He just swallowed calmly down his throat and sat beside me without making any noises. "Okay ka lang? Buti napapayag ka ulit nila Tito Vincent na sumama?"
I snorted. "Hindi ako okay at hindi ako makakahindi kapag sila tita ang pumilit."
"Ibig sabihin kahit pinilit kita nung sa library, hindi kita mapapapayag?" he asked in amusement.
His voice was a bit surprised but he remained looking away.
"Oo," I answered bluntly to him without meeting his eyes.
Nakapanood lang ako sa mga youth na nag-oorganize mula sa kubo. Medyo marami sila dun, nandun din si Isagani. Yung lalaking kinausap ko kanina habang nagtatawanan na animo'y masayang-masaya sa pag-uusap nila.
Matagal na kaya sila dito?
"Pero sinabi ko sayo, hindi naman ako titigil hanggat di ka pumapayag, Vanity. . ." sambit niya sa akin. "I feel that there's something waiting up for you here."
BINABASA MO ANG
Twist of the Wind (Batchmate Series #1)
RomanceBatchmate Series 1 Vanity & Kirk [under revision] They called Vanity brainy, appealing, and honorable. Yet, despite these flattering remarks, Vanity didn't feel perfect at all. She sensed a void in her heart that nothing could fill. This cynicism ma...