BUMILI ako ng sachet sa tindahan.
Buti nalang at may natirang pera kahapon.
"Traya! Pakisabi nga sa mama mo na bayaran na ang kanyang mga utang! Noong enero pa 'yun!" galit niyang sigaw sa huli.
Napabilang ako bigla. Magkakalahating taon na...
"Hindi ba nahihiya ang nanay mo?! Siya pa galit kung singilin!"
"B-babayaran ko po sa susunod na linggo."
Kukunin ko nalang sa baon.
"Magkano po ba?"
"300!"
Napalunok ako. Ipon ko na 'yan sa isang buwan.
Dumungaw sa bintana ang mama ng tindera. "Iha, totoo bang sa Mandaue ka nag-aaral?"
"Saan ba don nay? Sa CDU? Puro mayayaman naroon!"
Hindi ako sumagot.
"Baka pinaaral ni Trishia, iyong tita niyang malaki ang sweldo sa abroad. Nagnursing kaba? Naku mahirap daw 'yun!"
"Isang sachet lang po," turo ko sa binili ko na hindi pa kinuha.
"Totoo bang ikaw ba 'yung nasa video? G*go aliw na aliw sa'yo ang mga tambay!" sabi niya habang kinukuha ang sachet.
Nabitawan ko an baryang inabot sa kanya.
Kinuha ko ang cellphone dahil nagtext si tita na nakapagpadala na siya para pambayad ng kuryente, tubig, at grocery. Nasabi niya rin sa akin na magchat lang kung may bayarin pa ako.
Pinapatuyo ko ang aking buhok habang iniisip ang sinabi ni ate kanina. Sinabihan pa ako ng 'stay strong' pagkatapos niya akong pandirihan ng husto.
I don't want to justify my actions, because I know they were wrong.
Pumikit nalang ako para hindi na problemahin iyon at huminga ng malalim.
"Hooo!" sabi ko dahil sa usok.
Wala na kaming gasul kaya sa kahoy ako nagsaing. Nakakahiya ulit humingi kay tita. Hinugasan na pala ni lola ang lalagyan ko ng baon pero hindi ako papasok ngayon sabi ni mama.
Kilala bilang dating bayaran si mama. Nagtrabaho siya sa Japan ng ilang taon at doon niya nakilala ang papa ko raw. Ngunit bago siya nakarating doon ay sa Makati siya nagtrabaho. Kaya narinig ko rin kay tita na hindi alam ni mama kung sino ang totoo kong ama. Naalala ko noong bata pa ako, maraming babae ang pumupunta rito sa bahay dahil dinedemanda si mama. Mamayaman sila at kabit raw si mama.
"Ayaw kitang matulad sa akin, Traya," ito ang sabi niya isang beses.
Ngayon, sabi ng mga chismosa kong kapit-bahay ay ganoon daw ulit ang trabaho niya. Huminto naman iyon sa pagtratrabaho ng ilang taon at nanatili sa bahay pero napapadalas na ang pag-alis niya ngayon so baka nga.
I cannot judge her though. She's my mother. Isa pa, ang huling bagay na dapat gawin ng tao ay ang manghugsa.
Bayaran ang mama ko? Hindi rin nila alam na mahirap makahanap ng pera.
Isang araw nga, nagkaroon ng play sa paaralan. At dahil walang ibang babae sa grupo, ako lang ang pwedeng gumanap bilang prostitute. Iyon kasi ang tula na napunta sa amin. Maraming nanghugsa sa akin dahil kilala ang nanay ko sa public school na iyon at mga taga rito rin ang nag-aaral doon.
Sabi pa nga nila, practice ko raw iyon.
"Ul*l. As if gagawin ko 'yun!"
Buti nalang at pinatransfer ako ni tita sa CDU nang magsenior high. Siya ang nagbayad ng tuition. Nahihirapan akong mag-adjust noong una. Palagi niya kasi akong sinasabihan na mag-abroad pagkatapos kaya nursing ang kukuning kurso, at iyon din naman ang gusto ko.
BINABASA MO ANG
HTMO?
ChickLitHow does Traya Move On? Telling you the importance of self-love, the building block of life. You are too busy finding ways on 'How to Move On? ' while there is only one. If you prioritize this, everything follows. The most beautiful gift you can giv...