6

5 1 0
                                    

PAGKAGISING, napaahon ako bigla nang makita ang mukha ni Tito Jose.

Nandito siya sa kwarto habang hawak-hawak si Alexa!

"Pumasok ako dahil umiiyak ang bata. Hindi mo yata narinig dahil mahimbing ang tulog mo."

Agad kong kinuha ang kumot dahil naka spaghetti at comfy shorts lang ako.

Napasarap ang aking tulog dahil sa sakit ng ulo. Tinapos kong pag-aralan ang lessons para sa isang battery exam.

"Bumili ako ng lechon manok. Kain na tayo," sabay labas kasama si Alexa. Tumahan na ito. Parang si Ryder, eksperto sa pagbabantay ng bata.

Hindi ako eksperto sa panghuhula kaya hindi ko alam kung tama ba ang mga sinagot ko sa exam. Paglabas ko ng exam hall, bigla akong nahilo.

Eyeglasses kaba?

Kasi kapag wala ka, nanlalabo ang mundo ko.

Mas lalong lumabo ang paningin dahil sa corny texts ni Ryder.

Kamusta man tuod ang battery exam nimo?

Ay ambot!

Naglagot ko bigla sa kanya.

Napagdesisyunan kong magpungko-pungko pagkatapos ng exam. Para makaiwas na ako kung magcocolon man!

Hindi ka naman talaga magcocolon Traya dahil niyaya ka ni Wren na manood ng basketball mamaya. May kalayuan ang gym nila at plano ko talagang maggym ngayon kahit walang magyaya sa akin. Alam ko kasi ang schedule niya at malapit na ang CEFASI. Buti nalang at open to public ito!

Usap-usapan na ang opening ng CEFASI, ang pinaka-inaabangang league sa buong Cebu. Kaya hindi ko madalas na nakakasama si Ataska dahil busy ito rito. Next week na ang presscon at may photoshoots pa siyang gagawin. Sa pageant na gaganapin, siya ang kandidata naming white stallions sa college division. I am so proud of her. At expected, 'yung isang sikat na vlogger ang sa Velez College.

Deborah, my ex's new girlfriend.

Sumabay ang bigat ng loob ko sa bag na dala dahil sa dalang sapatos. Out of curiosity, sinilip ko ito sa ilalim at nagulat nang sira na pala ito. Wala akong ibang sapatos at pambili!

Hindi ko naman pwedeng gamitin ang uniform shoes ko o magmemedyas ako habang nag-eexercise?!

Bigla ko tuloy nasagi ang kinain at natapunan ang isang lalaki. Napatitig ako sa isang pamilyar na mukha. Hindi pa ako nakapag sorry at inunahan niya na akong magsalita.

"A-ayos lang, Traya! Sinabi ko na ba't ikaw 'to dahil sa buhok mo."

"Hayes!"

One of Wren's best friends. Nandito si Wren?!

Napalinga ako sa paligid pero walang ibang nakatambay rito, sasakyan niya lang. Wala ang kay Wren.

"Si Wren ba? Busy sa opening ng CEFASI."

"Ikaw? 'Di ka sumali?"

"Hindi muna ako sasali ngayong season."

"Bakit?"

"Pag-aaral muna," sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

Hindi naman ito bagsak kagaya ni Wren. Matalino si Hayes.

"Pero sayang. Magaling kapa naman!" sabi ko ng may boses paghihinayang.

"Talaga? Napansin mo?" I can hint an amusement in his voice.

"Oo!" sabay suntok ng kanyang dibdib para ipakitang proud ako.

"May lakad kaba ngayon? Pwede ba kitang yayaing mamasyal... uhm... diyan lang sa mall sa unahan."

HTMO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon