25

6 1 0
                                    

I SURVIVED.

I can't believe I survived first year college. Alam kong mailalaban ko pa ito. Three years na lang.

Pero may mga pagkakataon talagang hindi natin mailalaban ang lahat. Nag-away si mama at ang tita ko sa abroad kaya nadamay ako sa galit. Tumigil siya sa pagpapadala sa akin dahil wala raw kaming utang na loob sa kanya.

Idagdag mo pang naospital si lola kaya hindi ko na dinistorbo. Enrolment na ngayon para sa second year pero wala akong pang downpayment. Higit sampung libo ang babayaran.

Mahigpit ang yakap ko sa aso na nilalagnat ulit.

"Buti kapa, nandito palagi. I love you."

Naiiyak ako sa tuwing naalala na sinisigawan siya ng ibang tao.

Hindi nila alam kung gaano kaganda magkaroon ng isang aso.

"M-magbabayad na raw ngayon ng dp pero wala ako nun..."

Kaya ko namang umutang at mabayaran 'yun gamit ang sweldo pero paano ang allowance ko? Hindi siya kakasya. Mahihirapan ako dahil andaming babayaran sa nursing.

I got good grades, but due to financial matters, I decided to leave CDU for HRM at UC.

Masakit para sa akin pero sinabi ko sa sarili na babalikan ko ang nursing. Magiging health professional ako!

Nag-alok si Ryder ng pera para sa tuition ko sa nursing pero 'yung tulong na tinanggap ko sa kanya ay ang pagproproseso ng papeles. Mas magiging maayos din ito dahil dito lang ako sa Cebu at mas maraming mura kumpara sa Mandaue na mamahalin lahat. Pwede akong pumunta sa Colon kung gugutumin, tapos isang sakayan lang sa amin.

Pwede akong maglakad kung magtitipid dahil may shortcut naman papuntang SWU tapos malapit na 'yun sa amin. Mas makakapag tipid ako.

Ataska got angry at me, saying I'm so OA for refusing Ryder's help.

Madali lang naman daw ang problema ko. Ako ang nagpapakumplikado nito.

Sorry Ataska dahil mayaman ka. Ayaw ko ng tulong ni Ryder dahil baka magaya sa tita ko na wala akong pambayad. Akala ko ba 'pag pamilya at nagtutulungan?

The definition of family was already revised.

Isa pa, hindi kami ni Ryder. He may give me special treatment, but I told him that I am not yet open to being courted.

Kung siya, kayang manghingi ng tulong kay Colt, huwag niya akong gayahin sa sitwasyon niya dahil legal sila. Mayayaman din sila. Naiintindihan ng pamilya kung ganoon. Kung tutuusin, pwede na silang ikasal. Hihintay lang naman ng pamilya niya na makapagtapos siya ng pagiging doktor.

Baka anong magiging reaksyon ng pamilya ni Ryder kapag nalaman nilang may tinutulungan itong babae. Foundation? Ganoon? I mean, I somehow know the characteristics of Chinese-oriented people.

"Mag-eenjoy ka ba talaga sa HRM?"

"Oo naman! Tapos sa'yo ako magtratrabaho," biro ko.

"Hindi kita tatanggapin."

"B-bakit?"

"I don't care about someone's degree. Mas gugustuhin ko 'yung mahal mo ang isang trabaho."

Sa totoo lang, tama naman siya pero ito ang medyo murang kurso na kaya kong kunin na alam ko ay hindi ako mahihirapan. Ito talaga ang isa sa choices ko dati eh.

Magaganahan din ako sa kursong ito.

Kaya sa tuwing activity, hindi ko maiwasang magbigay ako ng 'patient care' sa costumer. Hindi ko maiwasang maapply ang mga nararanasan ko sa nursing.

HTMO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon